[From: =______=
Gudaftie! Done eating my lunch. Ikaw din BheKo. :* #WeAreForever]Aish! For the nth time, kating-kati na talaga akong replyan siya at isigaw na 'WALANG FOREVER!', kaso nakakainis kasi wala akong load. Di bale, 'pag nagkaroon ako, tatadtarin ko siya nu'n! Promise!
Kasi naman! Bwisit itong babaeng ito na panay ang group message! Wala namang ibang binanggit kundi ang boyfriend niyang sinagot niya yesterday na niligawan siya kahapon lang din. My Ghad! Napaka-easy to get! Paano ko nalaman? Sa GM niya rin. Leche!
"Cii!" Naalis ko ang tingin ko sa phone ko at humarap kay Gii, best friend ko.
"Baket?" Bored na response ko. Ngumiti naman siya ng malapad at ipinakita sakin ang isang Blue Teddy Bear. Cute iyon. Pero dahil sa alam ko na kung kanino iyon galing, hinarap ko nalang uli ang phone ko. Galing nanaman iyon sa boyfriend niyang pa-cool.
"Yah! Appreciate mo naman 'to! Galing 'to kay Boyfie!" Sigaw niya tapos hinampas pa ako sa braso. Ack, hapdi.
"I don't care. Magbe-break din naman kayo." Binitawan ko 'yung phone ko tsaka pinagpatuloy 'yung pag-kain ko. Baka ma-late pa kami nito kapag nagbagal-bagal nanaman ako.
"Hmp! Bahala ka. Ay nga pala Cii, may ibibigay ako sa'yong number. Text mo ha." Hindi na ako nakapalag dahil ini-snatch na niya 'yung phone ko. Hindi ko pa ata naaalis 'yun du'n sa conversation namin nu'ng babaeng may forever.
"Aanhin ko naman 'to?" Sabi ko pagkabalik niya nu'ng phone ko. May contact siyang sinave.
"Brent? Oy wala akong panahon dito Gii." Pipindutin ko na sana 'yung delete button pero pinigilan niya ako.
"Eh wag! Naghahanap siya ng katext eh! Tsaka...basta! Makakatulong sa kabitter-an mo yan!"
Kahit na labag sa buong kalooban ko, hindi ko na dinelete 'yung number. Consideration nalang sa bestfriend ko.
-----------------------------------------------------------------
[From: Giibest
Tinext mo na?]Sinabunutan ko ang sarili ko. Pang-50 times niya ng tinetext sakin 'yan. Waaaaah, hindi ko pa nagagawa 'yung assignment namin sa Economics e.
Dahil wala naman akong load, hindi ko siya mareplyan. Bahala siya. Wala naman akong mapapala kung itetext ko 'tong Brent na 'to. Gagawa nalang ako ng assignment.
Bubuksan ko palang 'yung binder ko nang magvibrate NANAMAN 'yung phone ko. Expect ko naman na si Gii lang 'yun pero binasa ko parin. Kaso,
Load 'yung nagtext. May nag-load saakin ng 50!
Hindi pa ako nakakamove-on sa load, nagvibrate nanaman ang phone ko.
[From: Giibest
Natanggap mo? Ayan, ako na nagload sa'yo ah? Itext mo na siya. Ha? Pag hindi mo siya tinext, babayaran mo saakin 'yang load. Seryoso ako Cii. :-P]Seryoso daw, pero may tongue emoticon. Bwisit talaga siya!
Kaya no choice ako kundi itext 'yung bwisit na Brent na 'to. Hindi pa ko pa siya kilala pero naiinis na ako sakanya.
[To: Brent,
Oy.]Tapos sinilent ko 'yung phone ko at tinago sa ilalim ng unan ko tsaka hinarap muli 'yung binder ko.
Madilim na nu'ng mayari ko 'yung assignment ko. Nakakatuyo ng utak 'yung Economics. Bakit ba kasi Legal Management 'yung naisip kong course.
Naisipan kong sulyapan ang phone ko. May 20 messages. Karamihan ay group messages, dalawa kay Gii na tinatanong parin kung tinext ko na 'yung Brent (hindi niya talaga ako titigilan). At isa, galing du'n sa Brent.