B-Lies (One)

107K 2K 27
                                    

 

Pagkagising niya ay namulatan ang isang babae at isang lalaki na may edad na rin. Pareho silang mukhang kagalang-galang at nanggaling sa mayamang angkan.

"Anak, kumusta ka na? We are so worried." Saad ng babae at agad na yumakap sa kanya nang makitang gising na siya. Naguguluhan naman siyang napatingin sa mga ito. Hindi niya rin kilala ang mga ito.

"Anak, pati ba kami ay di mo naaalala?" saad ng lalaki at saka hinaplos ang kanyang buhok. Gusto niyang magprotesta dahil hindi niya kilala ang mga ito pero di niya magawang magsalita.

"Sorry, wala po talaga akong maalala." Saad niya. Napaluha naman ang ginang sa narinig mula sa anak.

"Eh si Janella, naaalala mo ba?" tanong ng babae na nagpakilalang ina niya. Naguluhan naman siyang napatingin sa mga ito. Janella? Di niya rin ito maalala kung kaya't napailing siya.

Mas lalo namang napahagulgol ang ginang sa narinig.

"Robert, tawagin mo ang doctor. Wala na bang ibang paraan para magamot ang anak natin?" nag-aalala nitong baling sa asawa. Agad naman siyang niyakap ng matanda at pinakalma.

"Call the doctor please." Pakiusap nito sa asawa. Tumawag naman ang lalaki sa intercom. Pinaglipat-lipat lang niya ang tingin sa dalawa at pilit na inalala ang mga ito.

Matapos ang ilang sandali ay dumating ang doctor kasama ang lalaking nagpakilala sa kanya kanina bilang asawa niya.

"It would be better, if you'll take her to familiar places para mas madali siyang makaalala." Suhestiyon ng doctor. Wala na ding nagawa ang tatlo kundi tumango na lamang.

Sinabi din ng doctor na maaari na siyang i-discharge kinabukasan.

Naguguluhan siya sa nangyayari pero wala siyang magawa. Nais niyang iuntog ang sarili at piliting makaalala pero wala talaga.

Pasado alas-otso na nang magpaalam ang nagpakilalang magulang niya.

"Jel, kumain ka muna." Saad ng lalaki sa tabi niya habang hawak ang tray ng pagkain. Nakaramdam naman siya ng gutom kung kaya't napatango na lang siya.

"Ako na." saad niya nang akmang susubuan siya ng lalaki.

"Hayaan mo nang gawin ko ito bilang asawa mo." Tugon naman nito at di binitawan ang kubyertos. Napanganga na lamang siya at tinanggap ang pagkain.

Ingat na ingat ang lalaki sa pagsubo sa kanya. Nang umayaw siya ay nagbalat naman ito ng orange at ipinakain sa kanya.

Di siya nagsalita at tinitingnan lamang ang kilos ng lalaki.

Kung asawa nga niya ito ay napakasuwerte niya. Guwapo kasi ito at mukhang mestisuhin. Matangkad at matangos ang ilong nito. Ang mga mata nito ay may katamtamang laki lamang pati ang labi nito ay katamtaman din. Mukha rin itong edukado.

"Asawa ba talaga kita?" nagdududang tanong niya rito. Napangiti naman ang lalaki. Nakita niya ang pantay-pantay nitong ngipin na mas lalong nagpaguwapo rito.

"Hindi mo ba talaga naaalala?" balik-tanong naman nito.

Napailing siya.

"Pag-uwi mo sa bahay bukas, makikita mo ang wedding pictures natin." Malungkot nitong saad.

Napatango nalang siya.

"Makikita mo rin si Janella." Saad nito. Janella? Ito din ang nabanggit kanina ng nagpakilalang mama niya.

"Sino si Janella?"

"Yung anak natin. She's four." Saad ng lalaki.

Brilliant Lies (Wattys2015 Winner Ka-tropa Favorite)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon