.......
Sinubukan kong maglaro sa ulan,
Para hugasan ang sakit at tangayin sa kung saan,
Ngunit hindi dahil ako ang pinaglaruan ng ulan
Ako ang pinagtaksilan ng kalawakan
Taksil ang kalawakan.Sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pag ikot nitong mundo,nagbabakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon sa piling mo.
Nung sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid,
Makakaya ko pa,makakaya pa nating ibalik ang oras,minuto o segundo.
At kung di na kaya pang ibalik pwede ba nating ulitin ulit ang ikaw at ako ang dating tayo.Habang tinitignan ang tahimik na mundo natin,
Nararamdaman ko pa din ang mga ingay ng mga taong humahadlang sa atin.
Habang nagtatampisaw tayo sa malamig na tubig ng ulan
Ay siya namang pagtulo ng mga luha ko sa kawalanNa parang alam ko na ang patutunguhan nito.
Nung gabing tinapos natin lahat, saksi ang kalawakan kong gaano ka bigat ang hakbang papalayo sayo,
Nung gabing iyung mailap pa ang mga tala na para bang nananadya ,
Na kung gaano ka dilim ng aking kalooban ay siya ring dilim ng kalangitan.
At sumabay pa ito sa aking kalungkutan.Naiwan kita sa kawalan,
Iniwan kita sa lugar na hindi ka masasaktan,
Pero di ko alam na ang kapalit pala nito sayo ay ang matinding kalungkutan.Nag iisa ka lang at walang ibang makapitan.
Ngunit ako! Ako ay nandito nakatingin parin sayo,
Habang tumatagaktak ang mga luha ko,
Habang di nahahalata na tumutulo na pala ang mga luha ko,kakatingin sayo.Hindi ko matiis,hindi kita matiis!
Umalis ako sa ulan at pinuntahan kita sa kalawakan,Mahal parin kita yun ang totoo,
Sorry mahal ko,
Please ibalik nalang natin ang dating tayo.
BINABASA MO ANG
Unspoken: 5 UNSpoken HUGOT POETRIES (ORIGINAL PIECE BY QUEEN N.O)
PoetryLove poetry