Preface

216 2 0
                                    

Sa gitna ng isang malakas na bagyo ay may dalawng lalaki patakbo takbo sa gitna ng gubat

"Shit. Nawala na ata tayo, bro..." sabi nang isang lalaki. Muntikan na sila mamatay sa lamig nang may nakita silang isang malaking mansyon

"Ayun!may mansyon!!" Sabi nang isa pang lalaki. Agad agad sila tumakbo doon sa mansyon at pumasok ng wala manlang katok. Hingal sila ng hingal

"Bro, baka pagalitan tayo ng mga may ari nitong bahay" Sabi nang lalaki

"Explain lang natin na nawala tayo, bro" Sabi noong isa

"Sino kayo?" May narinig na boses sa bandang hagdanan. Pagkatingin nila. Isang magandang babaeng nasa teen years ang nakatayo. Kayumanggi ang kanyang mga mata at bughaw na buhok. At napaka putla ng kanyang.  Napanganga ang mga lalaki sa kanyang kagandahan

"Bakit kayo nandito"Tanong muli ng babae

"eh..ano..po..kasi..eh" Hindi nakapagsalita nang maayos and lalaki dahil nakatulala lang ito sa babae

"Its not polite to stare. Hindi niyo pa sinasabi kung bakt kayo nandito" Sabi ng babae

"Ano po kasi. Nawala po kami. Eh ang lakas laksa ng ulan. Napudpod po kami dito. Pasensya na po" Sabi noong isang lalaki. Tumungo ang babae

"Naiintindihan ko.." Sabi ng babae

"KATE! ANG INGAY DIYAN! NATUTULOG NA AKO EH, GINISING PA AKO!!" Isang malakas n a sigaw ang narinig sa taas. Natakot ang ng lalaki at nagyakapan

"We have guests. Kaya hinaan mo yang boses mo!!" Palaban na sigaw ng babae. Tapos nagsilitawan ang tatlong babae sa likod ng babaeng may bughaw na buhok. Napaatras ang dalawang lalaki nang makita nila ito

"Pagpasensyahan niyo ang aking mga kapatid. Ganyan lang talaga sila sa mga bisita. Yung gustong manggulat palagi" Sabi noong babae at tumungo naman ang dalawa

"Dito muna kayo. Bibigyan namin kayo ng matutulugan kung gusto niyo" Aya ng babae

"Ah, sige po. Pwede po ba?" Tanong ng lalaki

"Siyempre" Sabi ng babae. Tumungo ang dalawang lalaki. Dinala ng babae ang dalawang lalaki sa kanilang guest rooms

"Ang kwarto mo ay dito at ang kwarto mo ay doon" Tinuto ng babae ang direksyon ng kwarto. Tumungo naman ang dalawa at pumasok sa kanilang mga kwarto

"Salamat po" Sabay na sabi ng dala. Tumungo naman ang babae at umalis at natulog na ang dalawa

Hating gabi na nang maymarinig ang dalawang lalaki sa labas ng kwarto nila. Tinignan nila ito pero wala namang tao

"Narinig mo yon, bro?"Tanong ng lalaki sa kasama

"Oo. Kaya nga ako lumabas ng kwarto eh. Tignan natin" Sabi ng kanyang kasama at tumungo naman yung isa. Tumingin tingin yung dalawa sa mansyon nang may marinig silang inggay mula sa likod. Tinignan nila ang likod pero mukha namang wala. Mamaya maya may nakta silang anino sa dulo

"Titignan ko yun. Ikaw, dito ka lang" Sabi nang lalaki sa kasama. Sinundan niya ang anino pero ilang minuto na ang nakalipas. Hindi pa nakakabalik ang kanyang kasama. Kaya tinignan na niya rin. Pero nagulat siya sa nakita niya. May tatlong babaeng kumakagat sa kamay, leeg, at isa pang kamay!

"AHHH!!!" sumigaw ang lalaki at umurong patalikod. Tinignan siya ng tatlo na babae

"Inggay mo. Kate, patahimikin mo nga" Sabi ng isa. At may mga kamay na humawak sa braso ng lalaki. At kinagat ang kanyang leeg

"Arghh!"Lamang ang reaction ng lalaki. Ininom ng babae ang dugo ng lalaki habang unti unting nawawalan ng malay ang lalaki. Nang tapos na ang babae. Binitawan niya yung lalaki at tinapon sa isang gilid

"Swerte mo, ate. Dami mong dugo nakuha" Sabi ng kapatid habang pinupunasan ang labi niya. Tapos tinignan niya ang lalaki

"Kawawa naman. Ang popogi sana. Kung di lang talaga sila dumaan sa mansyon natin" Sabi noong isang kapatid

"Di dapat nila pinuntahan ang mansyon ng Van Dort sisters.."

---------------------------------------------------

A/n:

The preface ok? I suck don't I? Well, ayun ang kaya ko at this rate. Pls give it a vote. PLSSS!!

Vampire ConflictsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon