Chapter 5- Mysterious Eyes

28 0 0
                                    

Dominic's POV

"Diba sila yung mga bitches kanina sa school? The Van Dort sisters"Tanong ni ko kay Henry. Yung attention kasi napunta doon sa apat na babae na nag basag. Biruin mo sa ingay ng music narinig pa nila yung basag na yon. Siguro malakas... Tapos sinundan namin sila sa labas. Pero humingi lang pala ng pera kapalit. Akala ko interesting. And now we are watching them drive away from this club

"Sila nga. Hindi ba obvious?" Sagot naman ni George

"Di ikaw tinatanong ko. Huwag ka makisali" Sabi ko naman. Tinignan niya ako ng masama

"Para kang babae. Na impluwensyahan ka na ata ng mga chicks mo. Pero baka masyadong impluwensya. Baka mabakla ka"

"Bobo" Sabi ko. Nagbelat pa tong gagong to. Gusto ko putulin yung dila

"Bakit. Na-offend?" Tanong niya sakin. Gusto ko nga putulin yung dila...

"Uy, tumigil na nga kayo diyan" Saway ni Henry

"I saw Derek kanina" Sabi ni Henry

"So?" Tanong ni George

"Naging kaklase niya daw yung mga yun" Sabi ni Henry. Ehh??

"Di nga" - Ryan

"Oo nga" - Henry

"Weh?" - George

"Bahala ka na nga" Sabi ni Henry, na may irita sa boses

"Anyway, I wanna say that they're really hot" Sabi ko tapos tinignan ako nila ako ng masama

"What?" Tanong ko

"Don't Dominic" Sabi ni George. What did I say wrong?

"What did I say that offended you?" Tanong ko sa kanila

"Wala kang chance diyan sa mga babaeng yan" - Henry.

"Yeah, you won't have a chance" - Ryan

"Baka mabugbog ka lang" Sabi naman ni George. Wait lang....

".....Are you guys concerned about those girls?...."Tanong ko. Tapos naglakihan mga mata nila. OH GOD MAY GUSTO SILA DOON SA MGA BABAENG YUN?!!

"NO!!" Sigaw nilang tatlong tapos tinulak ako at pinagsisisipa. Aray ko!! Bampira ako pero masakit pa rin ha!!

"ARAY KO!! TUMIGGIL KAYO. MGA GAGO KAYO!!!" Sigaw ko pero di pa nila ako tinatantanan. Aray ko ang sakit na ha!!

"Hoy! Ano ginagawa niyo diyan?" Boses ng babae yon ha. May accent pa. Romanian? Shit, may nakakita sa amin. We looked at where the voice came from and we saw a girl. I didn't see her face that much because it was so dark. But what caught my attention was her eyes......They were glowing yellow. Wait...Yellow?

"We were just leaving" Sabi ni Henry tapos tinulungan ako tamayo tapos bumaba kami gamit ladder para di kami mahalataan.

"Her eyes...." Pabulong na sabi ni Ryan. So napansin niya rin yon

"Yeah, I noticed them too" Sabi ni Henry

"They were glowing red..." Sabi ni George. So kaming lahat nakapansin?

"Don't you think she's one of us?" Tanong ko

"Wow, may isa pa tayong kasama" Sabi ni Ryan. Pinaltokan ni sya ni George sa ulo

"Aray ko! Ano ba?!" Inis na tanong ni Ryan kay George

"Di ba obvious na madami tayo? Hindi lang tayo ang natitirang bampira sa mundo" Sabi ni George. Nga naman. Di naman kami lang

"Ang sinasabi ni Ryan, hindi niya naisip na may makakasalubong tayong iba" Sabi ko. Ganoon din naman kasi iniisip ko eh

"Wow, idinedefend si little brother. Bakla ka nga" Tukso ni George. Aba, baliw to ha. Kinotongan ko sa ulo

"Aray ko!!" Sigaw ni George

"Gago" Sabi ko at tinignan ko siya ng masama

"Hoy, tumiggil na nga kayong dalawa" Saway ni Henry. Siya naman kasi palagi ang nagpipiggil ng away bago pa magkagtan kami

"Balik nalang tayo sa club, uhaw pa ako for beer" Sabi ko at tumungo naman silang lahat. Pumasok kami sa club at naghanap kung saan kami pwede magpuntahan


George's POV

Kanya kanya kami ng punta. Si Henry, ayaw talaga uminom. Ryan, since bata, nakikipagsayawan. Dominic? Nag fifishing para sa babae. Ako? Tequila shots lang. Simple lang akong tao. Tiyaka wala rin naman akong interes na sumayaw o mag-uwi ng babae. Di ako ganon

"Ay putik!!" Sigaw ko nang maymakabangga sakin sa likod

"Sensya na" Rinig ko boses ng babae yung nagsalita. Lumingon ako para tignan. Babae nga. Maganda, matangos ilong, blue ang mata. Yes, nakita ko dahil hindi masyado nakakahilo ang ilaw

"Bahala ka" Sabi ko na may kaunting irita sa boses ko

"Suplado" Sabi nung babae. Kumunot noo ko

"Excuse m--" Napatigil ako nang makita ko wala yung babae. Ay bakit nawala agad...

Oh well. Uminom ako ulit tequila at tumingin sa paligid. Music is so loud. I looked around then I saw that girl. Nakatingin siya sa'kin. Tinignan ko rin siya ng matagal tapos bigla siyang umalis. Tumayo ako at sinundan ko siya

Ang bilis niya. But I could catch up with her if it weren't for all these useless, worthless, creatures called humans. I lost her but then I saw the backdoor open. Kita ko siya. Binuksan ko yung pintuan tapos lumabas din ako

Nothing...I saw nothing. She wasn't there. Bakit wala siya doon. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala talaga

"Looking for me?" May narinig akong boses sa likod ko. Umikot ako at nakita ko yung babae. I looked at her eyes. They were yellow

"Oo ikaw nga" 

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong niya at napangisi ako

"Because you're not human" Sabi ko at napaseryoso ang mukha niya

"Paano mo nalaman?" 

"Obvious po, ate" Sabi ko habang tinuturo ko yung mata ko. Napabuntong hininga siya

"Halata na 'di ka rin tao" Sabi niya tapos napasimangot ako

"Paano mo nalaman?" 

"Kasi nakikita mo kulay ng mata ko" Sabi niya at na-curious naman ako

"What do you mean?" Tanong ko at ngumisi siya

"Humans can't see my kind's eye color" 

"Is that so?" Tanong ko at tumango siya

"Sooo, what are you?" Tanong niya

"You go first, yellow eyes" 

"Dude, 21st century na po. 'Di mo pa alam ang dalawang species na sobrang sikat. Nasa Twilight, Underworld, etyetera" Sabi niya at nanlaki mata ko

"You're a..."

--------------------------------------------------------------

LOL Cliffhanger. Pero alam naman 99.9 percent ng mga tao alam na kung ano yun. BTW I'm so so so so so so so so so so sorry na hindi ako nag-uupdate dahil writter's block sucks like hell. Nabigyan lang ako ng energy ng isang comment. Kahit matagal na yung comment na yun at least nakapag-update. Sorry talaga na sobrang tagal. I'll try to update ofter. Ang dami ko kasing mga stories na ginagawa din eh. Plus school.

Anyway, please leave comments and votes. Talagang tinutulungan ako nung mga 'yun. And I hope you still enjoy the story. Peace out. Lov ya!!   

Vampire ConflictsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon