'Try natin hanapin sa page ng school o kaya sa-" napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kong may nakatayo sa harapan naminNung tinignan ko kung sino
"Daaaaaph si- "
'WAAAAAAAH ETHAAAAAN!!!' Sabay naming sigaw ni iah
"Masyado niyo naman ata akong namiss" pag mamayabang ni ethan
Si ethan pala ay yung boybestfriend namin ni iah since birth yes
since birth mag b-bestfriends kasi mommy at daddy naming tatlo
galing pala si ethan sa America kasi naging exchange student siya
Last year and nag promise siya samin ni iah na uuwi siya after non
'Oo namiss kitang panget ka'
pagkasabi ko non ay sabay naman namin siyang niyakap ni iah
"Iah kamusta naman kayo habang wala ako? Ano ginawa nitong panda nato?"
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin panda pala ha
"Hay nako ethan ayang si daph hindi maka move on dun sa guitarist nung nag mini-con sa campus" pagsusumbong ni iah kay ethan
"Guitarist? Hmm gwapo bayan? Mas gwapo ba sakin?"
Pagyayabang ni ethan may pa taas pa ng isang kilay ahitin ko yan eh hmp!
"Oo" sabay naming sagot ni iah tapos humagikgik
Si ethan naman ay umaarte na parang nagtatampo at nasasaktan
'Ang pangit ethan wag kang gumanyan nagmumukha ka lalong tubol HAHAHAHAHAH'
"Umalis lang ako pinalitan niyo na agad ako"
"Ang Arte mo HAHAHAHAHA" sabay naming sabi ni iah
"Tara na nga samahan niyo ko mag enroll para sa next sem"
Pag aaya ni ethan
Masaya kaming nag k-kwentuhan pero may biglang naka bangga si Ethan
"Ayusin mo paglalakad mo pre di kaba tumi tingin sa daan?"
Reklamo ni ethan" Angas mo pre ah, eh ikaw nga bumangga sakin " sagot ng naka bangga ni ethan
Teka teka hoy ang familiar ng mukha tapos bigla kaming nag ka tinginan ni iah
Shoot! Isa to dun sa nag perform sa mini-con
"Wala kong panahon para makipag away sayo" dagdag naman nung nakabunggo ni ethan
Bigla naman siyang kinabig ni ethan
Oh oh nukhang mag aaway pa ata
Agad naman naming pinigilan si ethan
"Daph mauna na kayo ni iah"
'Ayoko makikipag away ka tara na kasi'
"Makinig kana sakin alis na"
Agad naman akong hinila ni iah habang tumatakbo
'Saglii-'
naputol naman yung sasabihin ko dahil may nakabunggo ako at
napaupo ako sa sahig and worse natapon yung juice na hawak
nung naka bunggo sakin
"Okay kalang miss?" Sabay abot niya sakin ng kamay niya
Inabot ko naman yung kamay niya aarte pabako? Char HAHAHAHAH
'Thankyo-' nanlaki mata ko nung nakita ko sino
Shet shet namamalik mata bako? Di pa naman ako ganon ka desperada diba?
Kinusot ko yung mata ko ng ilang beses
Sinampal ko narin sarili ko
Totoo talaga Totoong totoo
Yung guitatistttt!!!!! Asdfghdjkdksl
"Hello miss?" Kumakaway siya malapit sa may mata ko
Shet talagaaaaa
"Miss? Okay kalang ba?"
Agad naman akong natigil sa pagtitig sakanya ng may sumapok sakin
'Aray ko naman' pagrereklamo ko
"Haynako girl kanina kapa kinakausap ni kuya oh punasan mo nadin laway mo tumulo na ata HAHAHAHA" pang aasar ni iah
"Miss? Okay kana?"
'A-ah O-oo Oo okay lang ako hehe'
Inabutan naman niya ko ng handkerchief
"Sorry talaga Miss gamitin mo muna yang panyo ko ha?nabasa kasi kita sorry talaga"
Agad ko namang tinanggap yung panyo
'Nako okay lang okay lang'
"Sure ka? Miss sorry talaga ha nagmamadali kasi ako sorry una nako"
'Sige sige okay lang ingat'
Pagkasabi ko non ay umalis na siyang bigla at ako? Eto naiwang nakatulala
Tinignan ko yung panyong pinahiram niya sakin
Teka omayghaaad! May pangalan shet! Shet!
Kaiden G.
Pati name ang pogi hihi