Grade I.Unang araw sa school, ako'y nasa eskwelahan. Charot.
Unang araw pa lang sa eskwelehan no'n, umuulan. Naka upo ako sa harap ng classroom habang nagtatawanan kayo. Out of place ako dati kasi hindi naman ako nag Kinder II, huminto kasi ako ng isang taon kasi masyado pa daw akong bata para mag Grade I. 'Yong mga kaklase ko dati no'ng Kinder ako, ngayon Grade II na, habang ako, hindi pa.
At katulad ng mga iba pang tipikal na kwento, naging maayos rin ang samahan ko kasama ng aking mga kaklase.
Do'n ko unang naranasan magka-crush.
Oo tama kayo, bata pa lang ako, malandi na ako haha, charot.
Ewan ko, nagustuhan na lang kita basta, siguro nga bata pa ako no'n, pero masaya ako kapag pumapasok sa school dahil nakikita kita.
Paunahan pa tayong magsulat habang may kinokopya sa blackboard.
Pero ang pinaka naalala ko talaga no'ng time na ito, ay 'yong may binigay ka sa akin, mali, may ipinapabigay ka pala sa katabi ko.
"P'wede mo bang ibigay kay Nicole ito?" wika mo habang inaabot ang papel na nakatupi. At dahil mabait ako, binuksan ko iyon at binasa, love letter pala para kay Nicole. Nainis ako ng sobra sa iyo no'n, kaya ang ginawa ko, pinunit ko iyong papel hahaha.
Hindi na nabasa ni Nicole ang nilalaman ng sulat, hindi na niya nalaman na crush mo pala siya. 'Yan ang nangyayari, ang aga aga mo kasing lumandi dati, 'yan tuloy, nabitter ako sa inyo.
Grade II.
Ikalawang baitang tayo no'n, may mga transferee pero ang pinakagusto ko sa kanila, ay 'yong magkambal. First time ko kasi dati magkaroon ng kaklaseng kambal tapos magkamukha pa.
Ikalawang taon, wala pa ring pagbabago, ikaw pa rin ang crush ko. O, di ba, stay strong 'tong feelings ko.
Dito yata ako umamin sa iyo dati na crush kita. Nalaman ng adviser natin iyon tapos no'ng nagmeeting ang mga parents, nagsumbong siya kay Mama. Akala ko nga dati papagalitan ako ni Mama, kasi ang bata ko pa para magkacrush pero sumusuporta pala siya sa pagkagusto ko sa iyo.
#ShipperSiMamaNgunit may bagay ako na pinagsisihan dati, 'yong may chance na nga pero hindi ko pa ni-grab.
Tanghali no'n, katatapos ng pananghalian, walang teacher sa subject na iyon. Dahil nga bored tayong lahat at may kaniya-kaniyang ginagawa, niyaya ako ni Fraulein, hahalikan ka daw namin.
Kinakabahan ako nang sobra no'n pero sabi niya, sa pisngi lang naman daw. Kaya sa huli, napa-oo ako. Dali-dali kaming nagtungo sa kinaroroonan mo.
"Steven, tingnan mo 'yon oh, may atis," sabi ni Fraulein sabay turo sa taas mo. At dahil uto-uto ka, tiningnan mo pa rin kahit alam mo na ngang bubong ng classroom natin ang makikita mo. Saktong pagtingin mo sa taas, hinalikan ka agad ni Fraulein. "Dali i-kiss mo na siya," dagdag pa niya pero hindi ko ginawa. Sobrang nahihiya kasi ako no'n, pabebe ako kaya hindi tuloy kita nahalikan sa pisngi, tumakbo na lang ako agad para hindi mo malaman na kasama ako sa nagplano ng paghalik sa iyo. Sayang.
Grade III.
Ito ang pinakapaborito kong taon sa elementarya. Madaming masasayang alaala kasama ka. Nagsasawa na nga ako sa mga mukha ng mga kaklase ko no'n, sa iyo lang hindi hehe.
Nakasando lang ako tapos nakatsinelas 'pag pumapasok sa eskwelahan, 'di pa kasi uso ang sapatos no'n at 'di pa tumubo ang dede ko kaya pwede pa.
Naaalala ko pa nang minsang naglalaro tayo ng kangaroo, nakabaliktad 'yong tsinelas tapos nagtakbuhan ang mga kaklase natin para hindi mahuli, pero ako nakayakap sa likod mo. Paulit-ulit 'yong taya tapos gano'n naman tayo, kung hindi ako ang nakayakap sa iyo, ikaw naman ang nakayakap sa akin. Kilig na kilig ako no'n kahit bata pa ako.