Chapter 7

2.5K 61 3
                                    

Maaga akong nagising para mag asikaso ,naghanda na rin agad ako para sa almusal at tinawag narin si chloe para kumain

Matapos naming kumain ay napag pasyahan naming mag movie marathon ,namimili na siya ng panonoorin namin at nagpaalam naman ako na kukuha ng popcorn

Nakangiti akong bumalik habang dala yung popcorn ,pero agad namang napawi yung ngiti ko ng madatnan ko dun si warren

Naka ngiti sila sa isa't -isa habang may pinag uusapan ,kaya sa sobrang inis ko ay umalis nalang ako dun at umakyat sa kwarto ,matutulog nalang ako

Naalipungatan ako ng biglang mag ring yung cellphone ko ,ng makita ko na si mama yung tumatawag agad ko itong sinagot

"Hello ma napatawag po kayo?"inaantok kong tanong dito

"anak tumawag yung lola mo sakin "sagot niya sa kabilang linya,nanlaki naman ang mga mata ko

"ano pong sabi?"kinakabahan kong tanong

"nagagalit siya dahil nalaman niya na nagtatrabaho ka"sagot niya sa kabilang linya at di naman ako naka imik

"sinabi niya rin na sa mansyon na tayo manirahan kaya umuwi kana rin dito"dagdag niyang sambit ,napa buntong hininga nalang ako

"sige po pag usapan natin pag naka uwi nako jan "

Nagkamustahan pa kami saglit at nag paalam narin sa isa't-isa,kaya imbes na matulog ulit ay bumaba nalang ako

Pero naabutan ko na naman silang dalawa na nag uusap naka upo sila sa sofa habang nakahawak naman yung kamay ni warren sa hita niya at humahaplos haplos dun,di pa pala umuuwi itong mokong nato.at eto namang si chloe di man lang niya nararamdaman na minamanyak na siya ng lalaking to 

Tumikhim ako at napalingon naman sila sa gawi ko 

"yaya wag kana magluto ng hapunan ,kumain na kasi kami sa labas,binilhan narin kita kuhain mo nalang sa ref"sabi nito at nagpatuloy sila pag uusap,natigilan naman ako saglit at teka yaya?ngayon nalang ulit niya ako tinawag sa ganoon

Ay oo nga pala 'YAYA' lang ako dito ang tanga ko para mag assume na magugustuhan niya ako ,wala lang pala yung mga nagdaang araw na nagtalik kaming dalawa

Di na ako sumagot at dumeretso na sa kusina kumuha ako ng cup noodles diko kinain yung binili niyang pagkain ,nang matapos ako kumain ay umakyat na ako sa taas at nag shower pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame 

Ilang oras na ako nakatitig pero di parin ako dinadalaw ng antok ,kaya napag pasyahan ko pumunta sa kwarto ni chloe,andun narin siguro siya dahil anong oras narin

At tama ako nakita ko itong pumasok sa closet at sumunod naman ako sakanya 

Niyakap ko siya sa likod at hinalikan yung batok niya

"ang bango mo "sabi ko dito,habang sinisinghot singhot yung batok niya

"ella wag ngayon ,pagod ako"malamig niyang sambit  at kumalas sa pagkakayakap ko 

Ngayon lang siya tumanggi ,napangisi naman ako

"pagod ka?eh may gana ka pa nga lumabas ,at kung makipag usap ka sa mokong nayun abot tenga yang ngiti mo"sumbat ko sakanya

"ella naman please gusto ko magpahinga "nagmamakaawa niyang sambit 

"di mo manlang napapansin na minamanyak ka na nung gagong yun,may pahawak pa sa hita mo at di lang yun may pahaplos pang kasama"pagpapatuloy ko 

"ano bang pinagsasabi mo?wala kaming ginagawang masama at para matigil kana sa mga pangbibintang mo ,diniscuss niya lang sakin yung mga nangyayari sa kompanya "napipikon niyang paliwanag sabay talikod sakin , di naman ako nakasagot at dumeretso na sa kwarto ko para matulog ,isusumbat ko pa sana yung pagtawag niya sakin ng yaya kaso pagod nga siguro siya

Kinabukasan nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko ,naghanda nako at bumaba na ,as usual nandito na naman si warren at may pinag uusapan na naman sila ,at nalingunan ko naman si sophie na mahimbing na natutulog ,na guilty naman  ako sa mga sinabi ko kagabi ,at bukas na yung alis ko gusto ko sana makipag ayos mamaya 

Pumunta ako sa kusina at kumain na ng almusal sumusulyap ako sakanila nag sasalita si warren at nakikinig naman si chloe paminsan minsan ay nagtatawanan sila 

Katulad kahapon ay nag kulong ako sa kwarto at maghapon na natulog ,gabi na ako nagising bumaba ako at nakita ko sila na kumakain na ,di man lang niya ako tinawag 'kung sabagay yaya lang pala ako dito 'sabi ko sa isip ko

Umakyat nalang ulit ako mamaya nalang siguro ako kakain ,nilinis ko nalang muna yung kwarto at naligo narin ,bumaba na ulit ako siguro naman naka alis na yung warren nayun 

Tama nga ako wala na si warren pero wala din si chloe ,at si sophie naman ay nasa stroller natutulog

Lumabas ako at naestatwa naman ako sa nakita ko,nakatayo si warren sa labas ng gate ng bigla niyang halikan si chloe ,natulala ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ng walang pag aalinlangang tinugon ni chloe yung mga halik ni warren 

Pumasok na ako sa loob at patuloy parin sa pag patak yung luha ko dumeretso ako sa kwarto at pumasok sa banyo ,nagtuloy tuloy lang yung patak ng luha ko ,naghilamos naman ako para di masyado halata yung pag iyak ko

Nag stay muna ako saglit sa banyo at napagpasyahan nang lumabas nahiga nalang ulit ako  nawalan na ako ng gana kumain 

Pero imbes na matulog ay pumasok ako sa kwarto ni chloe naabutan ko siya na nakangiting pinapalitan ng damit si sophie

Di niya napansin yung presensiya ko ,ng matapos niyang asikasuhin si sophie kinarga niya ito at inilapag niya sa crib nito

Paharap na siya ng biglang pumunta ako sa harap niya at siniil siya ng halik ,nagpupumiglas pa siya pero ng mapagod ay hinayaan niya lang ako ,pero ang sakit sa pakiramdam na di man lang siya tumutugon

Ako na ang kusang bumitaw sa halik sabay talikod sakanya ,gusto ko makipag ayos pero parang pakiramdam ko ayaw niya,sawa na siya sa presensiya ko

Lumuluha akong natulog at maagang nagising nagbihis na ako at nagluto ng agahan niya at umalis na  ako ng hindi nagpapaalam ,sa tingin ko di rin nama niya ako papansinin kaya mas mabuti na ito

The Maid [under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon