" Hooyy jinnn bilisan mo maiiwanan kana namin ! " Sigaw ng kaibigan ko.
" Oo nandyan na !" Tugon ko habang naglalakad.
Matagal tagal narin , Napaka daming alaala ang naiwan, naghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko pag naiisip ko sya , Kamusta na kaya sya , naiisip niya pa kaya ako? malamang siguro? Abay di ko alam , pero nakakasiguro akong di nya malilimutan, ang una naming pagkikita sa lugar na ito.
" makaalis na nga hihi " masaya kong banggit.
Leiv world
" Anong balita sa mundo ng mga tao" banggit ni Heler
" Sa ngayon , Mas tumaas ang bilang ng mga nagiging masamang tao , patunay na mahusay ang iyong pamamalakad "
Tugon ng tagapag ulat." Ipagpatuloy lang ang nasimulan gawing mabuti ang trabaho."
Banggit ni Heler."Masusunod aming prinsipe"
Sabi ng tagapag ulat." Prinsipe heler! May ulat galing sa demon lord " pahabol ng mensahero.
" Isa nanamang itong pagpupulong, ang ama ko talaga di tlaga sya nakokontento" pailing na sabi ni heler.
Pinapunta ang lahat ng kanyang pitong anak sa Palasyo ng Leiv world,
Upang pag usapan ang tungkol sa .." Ano isang Malawakang Digmaan ng mga tao ? " banggit ni Herkim
" Parang gulat na gulat ka kapatid ko ko?" Sambit ni Hugo.
" Oo kuya , hindi ako makapaniwala na Babalakin ito ng ating ama " sabi ni Herkim.
" Parang kulang kayo nasaan ang nag iisa nyong kapatid na babae na si Feya? " banggit ng sobrang lalim na boses na kanilang ama.
" Nag eenjoy siguro sa trabaho nya hayaan na natin sya" banggit ni Herkim.
" Sisimulan natin ang pag paplano mula ngayon sa MALAWAKANG DIGMAAN NG MGA TAO " Sambit ng kanilang ama.
Si feya ay abala sa pag kokontrol sa mga tao upang maging masama ang mga ito, ginagamit nila ang kapangyarihan nila na linlangin ang mga tao na may mahihinang paniniwala sa tunay diyos , para maging ugat sa paggawa ng masama.
Araw araw ito ang , tungkulin ni feya at ng kaniyang mga kapatid. Hindi sila titigil hanggat hindi nagiging masama ang lahat ng tao.
Sila ay ispiritu lamang at pinupuntahan nila ang taong biktima nila na parang multo o di naman kaya mga kakatwang mga elemento.
" Ohh ayun may naglalakad mukhang may poot sa puso nya kawawa naman huhu , hayaan mong tulungan kita buddy" banggit ng alagad ni feya.
" Paslangin mo kung sino ang makasalubong mo sa daan! Hahaha" sabi ng alagad ni feya.
Sa sobrang sakit , galit ng nararamdaman ng tao na iyon..
" Mga walang hiyaaa kayooo! " banggit ng tao.
Agad nyang iwinasiwas ang kanyang dalang kutsilyo na nakatago sa kanyang likuran, sa mga taong nakasalubong nya ng walang pag aalinlangan.
Nagkagulo ang mga tao dahil sa nangyari , sumisigaw ng tulong , diyos ko.
" Hahaha Kaaya ayang tignan , bakit ganyan ang hitsura ninyo lady feya hindi ba kayo natutuwa ? " sabi ng alagad ni feya
" Natutuwa naman " Mahinang sagot ni feya.
Sa di kalayuan nakita niyang may mag inang naglalakad at makakasalubong nila ang nagwawalang lalaki na nagwawasiwas ng kutsilyo
" Paslangin mo ang ina " banggit ni feya.
At nakita nga ng lalaki ang mag ina, at mabilis itong tumakbo papalapit sa ina at...
" INAAAA !!! " sigaw ng bata.
Nagpatuloy sa pag pagtakbo ang lalaking wala sa sarili at nalagpasan lang ang bata.
" Inaaaa , tulonggg!!!! ! Malalim ang sugat nya sa dibdib! " hagulgol ng bata
Pinapanood ni feya ang pag iyak habang nakahandusay ang ina ng bata.
" Inaaaa hindi itoooo maaari! "
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang ina ng bata na magsalita man lang dahil , Binawian agad ito ng buhay sa dami ng dugong tumatagas mula sa dibdib nito.
Humagulgol ang bata na mula sa kanyang puso ang lumalabas sa kanyang luha.
" Kayooo!! MGA WALANG PUSO! " sigaw ng bata.
" Huh? " nagtaka si feya
Biglang lumingon sa kanya at tumingin ng masama ang bata.
" nakikita nya ako , dapat na akong umalis dito " banggit ni feya
Umalis si feya habang naka lingon sa bata na umiiyak sa nakahandusay nyang ina.
" Lady feya di pa tayo tapos,tuluyan na natin ang bata " sabi ng kanyang alagad.
" may gagawin pa ako hayaan mo nayan " tugon ni feya.
Feya's POV
Sa tagal kong ginagawa ito marami ng tao na nakakakita sa akin at tiyak manginginig sila takot kung hindi naman agad ko naman sila nililigpit.
Pero sa batang yon , nakikita na nya pala kami una palang , hindi nya lang pinansin. Kakaiba ang batang yon lalo na ang kanyang mga mata , parang mata ng isang halimaw na gusto akong tapusin.
Sandali
" MGA WALA KAYONG PUSO"
Simple pero malalim ang pinagmulan , maraming pwedeng ipakahulugan. Hindi ko alam kung bakit gusto ko nalang umalis nong oras na iyon.
Maaari ko namang tapusin agad ang buhay ng batang yon subalit bakit nag iba ang pakiramdam ko , parang bang gusto kong magpahinga sa sobrang pagod.
May bumabagabag sa akin!
Walang araw akong , hindi tumigil sa pag gawa ng kasamaan at nakikita ang mga taong may bahid ng sakit , kaawaan, pagpapahirap sa kapwa nila.
Oo nga pala , isa pala akong demon , ito na ang ipinamulat saakin ng aking ama at mga kapatid.
Ganito na ako hanggang sa mawala ako
" Huhhh??? " nanlaki mga mata ni feya
GAGAGANITO HANGGANG MAWALAA AKO?
WAALAANG.. PUSOO??
ARGHHHHHHHHHHHHHH!!!!
At nagsimula ang bagong liwanag sa kanyang puso , na pilit nilalabanan ang itim na liwanag na nakabalot sa kanyang puso at pagkatao.
Ang kabagabagan sa kanyang damdamin ay nagdulot ng Pagbabago sa kanyang layunin.
" Dapat may gawin ako, may gawin ako !" sabi ni feya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Her name is Feya
FanfictionThis is the story of a demon girl who wants to return from being an angel and get to heaven again so she disobey her father's command that forbid demons to become a human as they can become enemies and threats to the demon race but still, she escape...