CHAPTER 4:MEETING HIM.

5 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa loob nang kwarto ko, medyo tanghali na rin ako nagising dahil weekend naman
"Another normal and lazy day."

Sana naman normal ang maging araw ko ngayon.Naging pangit kasi ang mga pangyayari noong nakaraang araw,halos sunod-sunod na kamalasan ang aking natanggap.

"Anak handa na ang agahan."
Abot hanggang dito sa kwarto ang malakas na boses ni mama.

Bago ako bababa niligpit ko muna ang aking kama, masaya lang ako habang ginagawa ko ito dahil maganda ang aking gising.

"Melody! Lalamig na ang pag kain"
Pangalawang sigaw ni mama.

Dali dali kong tinapos ang pagligpit dito sa aking kwarto. Malinis akong tao kaya hindi ko kayang nakakalat ang paligid.

Habang pababa ako sa hagdan ay amo'y na amoy ko ang garlic rice ni mama, kaya't naganahan ako

"Hali ka na kumain ka na."
Pananyaya saakin ni mama.

Puno nang pagkain ang hapagkainan. Ginisang talong,tuyo at iba pa

"Yan na ang niluto namin ni yaya Gineva mo, puro unhealthy foods naman ang kinakain nyu pag may pasok kayo."

I just smiled

Habang kinakain ko ang niluto ni mama ay nasasarapan ako.

"Ah ma,mag mamall ako mamaya."

"Uhm. Pwedi naman basta gumawa ka nang gawaing bahay bago ka umalis, at siguro late na ako makakauwi mamaya."

"Bakit po ma?..."

"Eh mag memeet kami ni Tita Geelyn mo, Paguusapan namin tungkol sa Business na ipapatayo namin."

Nasurprise ako sa sinabi ni mama. Medyo matagal na rin noong huli kaming nagkita ni Tita Geelyn. Last time we met ay nasabi saakin ni tita tungkol sa ipapatayo nilang business ni mama.

"Oh thats good, magiging bigtime kana!"
Sabay kaming tumawa ni mama nung sinabi ko iyon. Ngunit nabasag naman iyon nung pumsok si Ate Mikaela.

"Anu bang meron ma, at tumatawa kayo. Rinig rinig dun sa kwarto yung boses mo."
Nagtatakang tanung ni ate.

"Ah kasi my business meeting kmi ni tita Geelyn mo.

"Ows really that's great, regards nalang kay tita."

Tumalikod na ako sa kanila para ma umpisahan ang gawaing bahay.

Ang una kung ginawa ay nag laba ako.
Mabilis rin akong natapos.

Sunod kung ginawa ay nilinis ko ang kusina,sala at lahat na sulok ng aming bahay.

Alas dose na ako nakatapos. So naligo na agad ako masiyado akong excited.

Pag katapos kung maligo ay nagbihis na ako. I just wear a plain white t shirt at shorts hindi naman gaanu ka ikli hindi rin naman gaanu ka haba hanggang tuhod lang, dahil mainit sa labas naka ponytail lang ang hair ko.

Pagkababa ko ay nagpaalam na agad ako kay mama.

"Ma una na ako."

"I dadrive na kita?"

"Ah eh wag na mag cocomute nalang ako."

"Ok"

Akala ko ay tapos na si mama hindi pa pala.

"Tutal sa mall naman punta mo mag grocery ka na."

Papalag pa sa naako ngunit nanlisik na ang mata ni mama, kinuha ko nalang ang listahan at credit card ni mama. Pag siya talaga kaharap ko eh wala akong magawa.

A Musician's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon