ikalawa

14 0 0
                                    

Gumaling nga ba si Patient A?

Samantala si nadine ay nagbukas na ng maliit na tindahan nila habang ang Mama at Papa naman nya ay nagluluto ng Ulam na ibebenta nila sa carenderia nila nagsisimula na rin pumasok sa trabaho ang ate at 2 kuya nya si Nadine ay bunso sa 4 na magkakapatid may dalawang pamankin na rin sya na anak ng ate nya at ang asawa nito ay nag tatrabaho sa ibang lugar

Si nadine ang nagbabantay ng tindahan nila at ang mama naman nya ang sa carenderia habang nagbabantay si Nadine nanonood sya ng TV habang binabantay din mga pamangkin nya
Habang nanonood sya may breaking News na ibinalita sa bansang CRISAN daw ay may nangyayaring Gulo

Ito ang ibinalita ng reporter sa Tv

Reporte: Pansamantala po namin pinuputol ang panonood ng TV ninyo para sa nakakagimbal na balita may nangyayarin pong gulo sa bansang CRISAN di pa po mawari kung anong nangyayari doon pasintabi po sa mga kumakain at gabayan po natin ang mga batang kasama ninyo sa mapapanood nyong video na inupload ng taga roon sa Crisan.

Mapapanood sa video ang mga taong nagtatakbuhan parang may humahabol sa kanila tapos bigla na lang sinunggaban ng isang tao ang isang binata lumabas ng kotse nya at pinagkakagat ito kitang kita sa video kung paano nilapa ng tao ang binata hanggang sa dumating pa iba pang mga tao duguan ang bibig at damit.

Reporter: pinutol na po namin ang iba pang eksena sa video dahil sa kahindik hindik na pangyayari ngayon sa bansang Crisan kuha po ang video mula sa balcony ng apartment doon.

Natapos nga ang breaking news na yun pangamba ang naramdaman ni nadine dahil sa napanood at ganun din mama nya na nanood din pala ng tv sa may carenderia nila.
Usap Usapan nga ng buong Mundo ang nangyayari sa Bansang CRISAN dahil sa nagkalat na mga video na kuha mula doon..

Ano kaya ang nangyayari sa bansang Crisan?
Anong sakit kaya ang lumalaganap sa bansang Crisan posible kaya itong makahawa?

TAKBOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon