Naka-silip ako ngayon sa bintana, ng kwartong madalas kong bagsakan, tinatanaw ko lang naman ang natatanging bagay na masasabi kong maganda, sa kabila ng lugar na 'tong...
"Teka, nas'an ba ako?""Sino ka?" Tugon ko, sa isang babaeng bigla na lamang sumulpot sa tabi ko na tila natatakot at nawawala sa sarili.
"Bakit mo'ko dinala dito? Ilabas mo'ko! Ayoko dito!" Pasigaw na tanong ng babaeng takot at umiiyak, hawak-hawak ang kanyang buhok, sabay talikod.
"Huwag ka mag-alala, kumalma ka lang, ligtas dito, nasa kwarto tayo, kung gusto mo lumabas, ayon yung pinto sa may bandang kanan, pwede ka naman lumabas, hindi mo kailangan matakot." Pagpapakalmang tugon ko sakanya.
Agad naman siyang huminto at nanahimik. Subalit laking taka ko ng hindi na siya gumalaw sa kanyang kinaroroonan. Papalapit ako sakanya ng bigla siyang tumakbo ng mabilis sa akin at bigla akong... niyakap. "Woah! Kinabahan ako sa'yo."
"Tulungan mo'ko, nalilito na ako." Nangingiyak niyang sabi.
"Pwede ka magkwento, magsabi ka lang, makikinig ako." Sabay ngiti sakanya.
"Naguguluhan na ako, nahihirapan na ako." Humihikbing sabi niya sa'kin.
Bumitaw siya ng pagkakayakap sa akin at napaluhod sa sahig. Patuloy lang ang pagbagsak ng kanyang mga luha mula sa mapungay na mga mata. Muli naman akong lumapit sa bintana at nagbitaw ng mga salita na tila nagsasalita ako sa maraming ako, ang dami kasing bituin sa kalangitan. Napahinga akong malalim, kasabay n'on ay ang pagpikit ng aking mga mata at nagsimula na akong magsalita.
"May mga pagkakataon talaga sa buhay natin, na marami pa ring bagay ang hindi natin maintindihan at kailanma'y hindi maiintindihan, miski ang sarili mo. Maraming mga tanong na pilit pa ring hinahanap ang kasagutan kahit wala itong sagot at mga pangyayaring inaalam ang dahilan at pinagmulan, kahit hindi naman na kailangan." Ipinagpatuloy ko lamang ang pagsasalita.
"Alam mo, kahit ako nalilito gaya mo." Pangisi kong sabi. "Naguguluhan pa rin ako. Ang gulo kasi ng mundo, kahit saang anggulo, ang gulo. Ang daming bakit, paano, ano, gaano. Alam mo 'yon? Mapapasabi ka na lang ng "Hindi ko na alam kung paano mag-iisip." Pero isip ka naman ng isip, 'di ba? Tanong ko sakanya ng imulat ko ang mga mata at muling tumingin sa kalangitan, ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Teka lang ha? Bubuksan ko lang yung pinto." Tumango lang siya.
"Sino po 'yan?"
"Kali, si mama 'to kasama ko si Ate Ara mo." Tugon ni mama na tila nang aamo ang tinig.
"Mama! Ate Ar..." hindi ko maintindihan, kung bakit parang biglaan na lang akong hindi makagalaw, kasabay nang pagbagsak ng katawan ko ay ang bigat ng aking mga mata, para akong lumulutang at gumagalaw ang paligid ko. Bakit parang inaantok na'ko?
...nalilito na'ko, puro gulo na lang ang naiisip ko, kaya siguro ang naiintindihan at nakikita ko na lang ay ang gulo ng mundo.
Hindi ko na namalayang sa dami ng tanong, misteryo at kaguluhan ay isa na mismo ako sa mga ito.
Ayoko nang mag-isip ng mag-isip, gusto ko namang maka-dama.
Basta, sa pagkakaintindi ko, mali ang mga iniintindi ko.
YOU ARE READING
TULDOK-KUWIT
General FictionKali is a copyreader, writer, student and a girl who is fighting with schizophrenia, finding herself and learning how to truly live, having her heart that is filled with chaos and confusion. Ngunit bakit ang istoryang nais na niyang tuldukan ay nagh...