Reason 38

12 2 0
                                    

Reason No. 38: Kasi nag-away kayo dahil sa oras. 

Yung tipong nasanay na lagi siyang may oras sa 'yo kaya dumating sa point na yun mismo ang pinag-awayan niyo. 

Pinarealize niya sa 'yo na 'di sa lahat ng oras ay dapat kasama at kausap mo siya. 'Di sa lahat ng oras ay ang mundo niyo lang ang umiikot.

May oras din siya para sa pamilya niya. May oras din siya para gawin yung responsibilidad niya sa bahay at pinarealize niya sa 'yo na bago ka pa dumating sa buhay niya ay marami na siyang responsibilidad sa bahay nila at kailangan niya ng oras para don.

Pinarealize niya sa 'yo na 'di lang sa 'yo umiikot ang mundo niya dahil sa simula pa lang may sarili na siyang mundo kung saan wala ka pa no'n sa buhay niya.

101 Reasons To Love A Great ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon