Prologue

48 8 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I'm not a professional writer so grammatical and typographical error will be noticed.

This is impromptu, no outline. Kumbaga experimental story siya.

Enjoy!

*****

Gigising ng maaga. Magaabang ng sasakyan papuntang school. Maglalakad sa napakataas na hagdan kasi  elevated ang school. Aakyat uli sa napaka habang hagdan dahil nasa 4th floor ang classroom. Maghihintay ng Teacher pero 30 minutes na ang nakakalipas wala parin nagpapakitang Teacher pero kung kailan malalate ka tsaka sila papasok on their earliest time. Kailangan din talagang pumasok ng maaga kasi kokopya ka pa ng homeworks kay classmates tapos magrereview ka pa para sa quiz niyo sa Mathematics. May time rin na ayaw mong pumasok pero mapipilutan ka rin pumasok kasi gusto mong makita si Crush. Si crush na hindi 'man lang nakikita ang existence mo. And then, Pagkatapos ng klase, uuwi na sa bahay at dahil hindi ka elementary student, gagawa ka pa ng homework bago matulog.

The listed above are some cliché stories of  students.

Positive' man o negative pakinggan, you can't take away the fact that those encounters are really part of our student life.

Most of the students kapag malapit na ang major exams napapa-"struggle is real" dahil sa mga mahihirap na activities isama mo pa 'yong isang tambak na requirements.

Pero kung may pangarap, the struggle is not real. At sana all ganyan.

Wala kasing darating na magandang bagay kung hindi pinaghihirapan. (The most cliché advice)

I have a stories about my student life and you have yours.

Our stories are different but who knows, parehas parin tayong estudyante.

Alam ko na naranasan mo na rin ang mga "cliché stories" na nabanggit kanina  and correct if I'm wrong, kahit papaano may mga natutunan ka rin sa mga ito.

Elementary, Highschool or College student ka 'man, yes we are not on a same boat but we are on a same ocean. Continuously sailing on a very wide ocean to reach the island of ambitions.

I'm a College Student and I have still 2 years to sail on this ocean.

"Bakit Civil Engineering ang napili niyong course?"

Tanong ng Professor na nasa harap na nagpaagaw ng atensyon ko.

Bakit nga ba ako nag-civil engineering?

"You, Mister." turo ng professor namin sa isa naming kaklase. "Bakit ka nagengineering?"

"Malaki po kasi suweldo ng engineer."

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko, isa na ako roon except sa prof namin.

Well, totoo naman 'yong sinabi niya. Engineers can make a lot of money. 

It makes sense that money is the number one desire of every human. Because money can provide everything. You can' t achieve wealthy life if you dont have that kind of thing. 

Kaya nga karamihan sa atin mas pinipili ang profession na may malaking suweldo. Kaya karamihan din sa atin gini-give up na rin ang passion kasi maliit lang ang nakukuhang income rito like some passion na relate sa art and musics. Passion give you a "suntok sa buwan" experience to be a succesful one. At iyan ang pinaniniwalaan ng karamihan.

"How about you Miss.... Briones. Bakit ka nag-engineering?"

Apelyido ko 'yon ah!

Napaturo pa ko sa sarili ko matapos kong marinig ang surname  ko.

"Yes. Miss Briones." Prof namin na nakatingin sakin sabay tingin sa class list na hawak niya. "Bakit Civil Engineer ang pinili mong course?"

"Hindi ko po alam sir." Mabilis kong sagot.


College & Friends (Inhinyera Series #1) Where stories live. Discover now