More fun, less chances of stress.
May narinig akong tsismis pero hindi ako tsismosa na kapag mas pinairal ang positivity sa katawan or chill ka lang sa pagaaral, mas gaganda raw ang level ng intellectual capacity at performances compare sa mga students na masyadong seryoso sa buhay at wala ng enjoyment sa katawan.
My friends are my stress-reliever. Isa sila sa mga source ng aking happiness.
Sila rin ang naging dahilan kung bakit sinisipag akong pumasok at mag-aral.
Kaya siguro hindi ako masiyadong nai-stress sa engineering dahil sakanila.They lighten my College Life. Sila ang nagpa-realize sa akin na totoo ang epekto ng page-enjoy sa studies. I remember, we have this hectic scheds on our last sem. Maraming requirements, sunod sunod ang mga quizzes but we absence the pressure. Nagtulungan lang kami, bigayan lang ng helping hands and viola. We made it to the top. And I'm so thankful that we have this kind of teamwork.
Nasa mantra na talaga ng Engineering ang "no man is an island". Kaya kapag ito ang kinuha niyong course (o sa kahit na anong course), maghanap kayo ng makakasama niyo na talagang makakatulong sa journey niyo.
I'm regular in Civil Engineering. Ibig sabihin no failing grades since first year. My friends are part of this achievement.
"Ano? Magbe-bet ka na?" Mathew looking straight at me.
"Oo bet!" I said with confidence
"Magkano ibe-bet mo?" Singit ni Marlon.
"Bente!" Ako
"Aba malakas!" Catherine.
"Malakas talaga 'yang frenny natin." Erilyn.
"Walang sisihan hah!" Mathew.
Pagkatapos ay nilapag ko na ang baraha ko.
At isang malakas na sigaw ang pumukaw matapos namin makita kung ano ang nilapag kong baraha.
5th of Hearts ang nasa baraha ko while ang dalawang baraha na nilapag ni Mathew ay Ace of Diamonds at Tenth of Spades.
"Yezz naman zerrr. Akin na ang bente " Me mocking them.
"Ang daya!" Ace habang nakaduro pa sa'kin.
"Anong madaya? That's what we call Luck." Ako habang nakapamewang pa.
"Wag nga kayo maingay baka may makarinig sa'tin at makita pang nagbabaraha tayo rito." Joana na laging highblood.
Wala kaming mga klase kaya nandito kami ngayon sa likod ng College namin with our boy friends. May space 'yon teh. Boy Friends, ibig sabihin mga kaibigan na lalaki.
Yup. May mga tropa pa kami and those are consist of boys. Hindi na rin talaga maiiwasan sa Engineering na magkaroon ng kaibigan na lalaki. Malaki ang grupo namin, actually.
Lima kaming babae sa grupo tapos siyam naman ang lalaki. Pito sa siyam naming tropa na lalaki ay Civil Engineering din. While 'yong dalawang lalaki na naiwan, computer engineering. Dati magkaklase kami tapos na reshuffle kaya ayon, nagkahiwalay hiwalay kami. Nahiwalay ang babae sa lalaki at buti nalang gano'n ang naging division ng grupo namin. How coincidence.
"Chat mo nga si Neill at John! Kamo punta sila sa likod ng College. Talunin nila 'tong mga 'to." Jericho habang tinuturo turo pa kaming mga babae.
"Ang BI talaga! Alam niyo na ngang may klase." Joana
Hindi namin kasama 'yong dalawang lalaki na si Niell at John dahil Computer Engineering sila kaya hindi madalas nagtatama ang mga sched nila sa amin. Civil Engineering sila noon kaso lang nag-shift agad after 1st sem no' ng first year kami.