Prologue

12 2 0
                                    

Prologue

Nakatingin lang ako sa school na papasukan ko "bat ka kase ako lilipat dito pwede namang don nalang din sa maynila" sabi ko sa secretarya ni daddy

"sabi po ng daddy nyo ay dito ko kayo I enroll marami po kase ang humahabol sainyo ngayong nakilala kayo ng mga kaaway niya,siya din naman po ang may ari nitong school." tumango nalang ako at kumuha ng bubble gum at nginuya yon pumasok na kami ni dan (secretary ni daddy) sa school nakita ko ang mga matang nakatingin samin naka hoodie akong black at pants tas naka combalt shoes, pinasadahan ko lang sila ng blank expression bumulong saaking isipan si dan

"maam sabi po ng daddy nyo ay kung maari walang makakaalam kung ano po talaga kayo" napairap nalang ako kelan ko ba ipinagkalat na isa akong demon duhhh sabi ng daddy ko ay nasakin daw ang lahat ng uri ng kapangyarihan dahil ang mama ko daw ay isang reyna pero namatay pagtapos ako ipinanganak tinago ako ng daddy ko dahil daw maraming gustong pumatay sakin, The hell I care kaya kong pasabugin ang utak nila sa isang titig lang pero ang sabi ni daddy ay wag na wag daw akong papatay ng enosenteng tao.

Nag dere deretso kami sa office habang kausap ni dan ang dean ay naglibot libot lang ako sa office nayon so ang dean ay isa ding demon huh pagkalingon ko sa dean ay yumuko lang ito bilang pag bibigay galang.

"Pupunta ako sa caffeteria nagugutom ako" sabi ko at lumabas nagpagala gala ang tingin ko, ang mga istudyante ay nakatingin lang sakin, ngayon lang ba sila nakakita ng transfer like duhh alam kong maganda ko pero sobrang wierd naman nila mas wierd pa sakin . Anyway umiling nalang ako at naglibot libot at sa wakas ay natanaw ko na ang hinahanap ko at ganon lang din ang itsura nila ng makapasok ako sa cafeteria pero napatili sila ng biglang may papasok na grupo, napahinto ang nasa unahan nila dahil naka harang ako sa daan, tinignan ko lang ito na para bang hindi intiresado sakanila.

"hoy do you want to die? Alam kong bago ka wag kang humarang sa dadaanan namin" sabi nung nasa may bandang likod , ba nag hahamon ata yon kala mo kung sino tirisin kita eh . Di nagbago ang expression ng mukha ko, tinalikuran ko lang sila at pumunta sa counter ng canteen pinili ko ang incan na coke since wala namang alcohol drinks sa school , kumuha ako ng isang daan sa aking bulsa wala eh eto lang ang pera ko, nakay dan pala yung bag ko, tinignan lamang ako ng tindera na parang naguguluhan maya maya ay may naglapag ng card sa gilid ko.

"coke din ate tas fries isama mo na yung coke niya" tinignan ko lang siya ng do I look like need your fvcking card? Tumawa lang siya at nagsalita "miss di ko alam kung bat ka nakapag enroll dito this is private school, mayayaman ang tao dito, mukhang kang dukha kahit pa branded yang suot mo" mapang insultong sabi niya nag tawanan naman ang tao sa cafeteria inabot lamang ng tindera ang binili niya tatalikuran na sana ako ng lalaki ng humarap nanaman ito "huli huli wag ka ng haharang sa daanan namin pag nagkataong nandito ang boss namin ay malalagot ka" binigyan ko lamang to ng isang suntok nagsitayuan ang mga kasamahan niya pati narin ang mga tao sa canteen at nagbulungan na kesyo nasisiraan na daw bako ng ulo, di ko daw kilala kinalaban ko, sino daw bako para gawin yon nakabawi naman agad ang lalaki sabay suntok din sakin serously? Napangiti ako he's interesting nag dugo ang gilid ng labi ko "ang lakas ng loob mo para suntuin ako baguhan, alam mo bang wala pang nag hangas na suntukin ang gwapo kong mukha?" natawa naman ako sa sinabi niya "pag nalaman ito ng boss namin ay humanda ka" pagkatapos non ay dumating ang isang teacher kasama si dan. Nagulat si dan dahil lahat ng istudyante ay nakatingin lamang samin

"whats happening here" yumuko si dan sakin bilang pag galang naguluhan naman sila at nagbulungan nanaman "what happen to your face mr alonte?" tanong ng teacher sa lalaking sinuntok ko at sinuntok din ako.

"she punch me madame" tumingin naman sakin yung teacher at nakita din akong may dugo sa gilid ng labi lumapit sakin si dan na para bang nag alala pag nalaman ito ni daddy ay siya ang malalagot lumuhod ito at nag sorry

"sorry lady althea sana ay di nalang kita hinayaang pumunta dito mag isa" tumawa lamang ako at pinatayo siya.

"ganto naman pala ang mga istudyante dito dan, tumayo kajan di naman ikaw ang sumuntok sakin tiaka nag thankyou lamang ako dahil binayaran niya itong coke ko at nag welcome lamang siya"naguluhan naman sila sa sinabi ko.

"mr alonte mag sorry ka sakanya" naguluhan naman ang lalaki at mukhang naiinis.

"tss binayaran ko ang coke niya dahil wala siyang card di ko naman alam na mahirap siya tas bigla niya kong sinuntok" pangangatwiran niya nakita ko ang pag titimpi ni dan. Ayaw niya kase na inaapi ako lalo nung bata pa ko.

"wheres my things dan?" wala emotion na sambit ko , iniabot naman niya ang bag ko ang cellphone ko at card na nakalagay na vip nagulat naman ang mga istudyante dahil sa card nayon.

"maam bakit vip sakanya eh pang teacher lang yon sino bayan?" mag sasalita na sana ang teacher ng maunahan ko ito.

"isa lamang akong dukha senior" nakangiti kong sabi sabay tiningin kay dan "where's my cigarette? And gum?" taka kong tanong binigay niya naman ang gum ko pero di niya binigay yung yosi.

"master hulio said your not allowed to use cigarette to school" nakayukong sabi niya, tangina nag pigil ako dahil makakapatay talaga ko pag di nakakahithit ng sigarilyo ito lamang ang ginagawa ko pag na tetense or naiinis.

"you may leave sama mo na din ang lalaking yan pati ang teacher" aangal na sana ang lalaki ng hilahin siya ni dan humarap ako sa tindera at nginitian ito .

" sorry nadellay ang pagbabayad ko pasamahan narin ng pizza at ice cream" sabay abot sa kanya ng card "hihintayin ko na lamang don" kaswal kong sabi sabay turo sa upuan, tumango lamang ang tindera umupo ako sa isang bakanteng lamesa nag cp muna bago dumating ang pagkain.

—————————————————————-
Support my story ❤️ sorry agad sa mga wrong grammars and typo error eedit ko nalang siya pag natapos ko na ❤️

It's  okay, that's love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon