10

86 5 0
                                    

"Jennie Kim?"


Tumayo na ako nung tinawag ako ni Madam President. Si ate Irene Lee, senior na siya at siya ang president ng NCT U Dance League. At sinasabi ko sainyo sobrang ganda niya, dyosa kung dyosa.


May ilang lalaki siyang kasama sa table ng judges. Di ko naman kilala ang mga yan, panay phone pa sila, edi sana di na lang sila nag judge kung di rin sila manunuod. Binigay ko na ang phone ko para sa music. Shet! Kakaba talaga.


Pumunta na ako sa gitna, sobrang kabado na sa pag sayaw. Sumenyas na ako sa music player para mag start na ang tugtog nang biglang may dumating sa dance studio.


"Andito na kami!!"


Napatingin ang lahat sa dalawang lalaking dumating. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino


Si Zombie at Tisoy. Shet! Anong ginagawa nila dito???


"Ang ingay niyo! Maupo na nga kayong dalawa diyan" giit ni ate Irene


Hah. Buti nga. Agaw eksena kasi eh, sasayaw na dapat ako eh. Pero teka bat sila nandito? Part din ba sila ng dance league? Sumasayaw din ba sila?? Oh my God!! Sasayaw ako sa harap ng dalawang yan?? Sa harap ni Zombie na nasampal ko nang di oras?


"Hala! Diba yan yung sumampal sayo pre?" malakas na sabi ni Tisoy


Napatingin naman sakin si Zombie. Napasama agad ang muka niya sakin. Miski ako sumama na rin ang muka. Kabadtrip, sa lahat talaga nang makikita ko ngayong araw, yung pag mumuka talaga niya? Ang OA pa naman ng lalaking 'to.


"Hi Jennie, sige you may start now" aniya ni ate Irene


Di ko na lang ininda ang pangit na view sa harap ko at sinenyasan na ang taga play ng music


*Insert Bitch better have my money - BLACKPINK Dance Cover (Just imagine si Jennie lang ang sumasayaw)*


Habang sumasayaw ako sobrang seryoso lang ng muka ni Zombie. Parang mangangain naman siya ng buhay diyan. Nasa huling part na ko kung saan may gumigiling na sayaw. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa ang part na yun. Tignan natin kung may masabi pa ang isang 'to. Pero kahit tapos na akong sumayaw ganon parin ang tingin niya. Yung tingin na parang di siya naimpressed.


"That was hot" aniya ni ate Irene


Natawa naman ang ibang kasama niya pero hindi siya tumawa. Ang OA talaga niya. Eh hot naman talaga ang sayaw ko, tas wala man lang siyang kareact react diyan


"You find that hot? Psh para ngang kabute eh"


Halos mag init ang ulo ko. Anong parang kabute??? Muka ba akong kabute?? If I know nasexyhan siya sakin dinedeny niya lang


"Nako po eto na bangayan na!" kantyaw nung isang lalaki na maliit


Gustong gusto ko na talaga siyang patulan kaya lang nandito ang President ng dance league. Baka mamamaya mabad shot pa ako at di matanggap. Laki nang galit ni Zombie sakin porket nasampal ko lang ah. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na siya. Gagantihan ko na lang siya sa susunod


"Well I respect your own opinion" pag ngiti ko. Inemphasize ko talaga yung own na salita "Thank you po" pag bow ko at kinuha na ang gamit


Parang kabute siya diyan. Yari talaga siya sakin

𝙎𝙡𝙖𝙥 || TaeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon