Leticia's POVHuminto na ang sinasakyan kong bus sa pinakahuling istasyon nito, sa wakas!!! Nandito na ako sa Palawan!!!
Sana makahanap ako ng magandang trabaho dito para sa pampagamot ni Inay at sa pag-aaral ng nagiisa kong kapatin.
Naalala ko na may mga utang pa pala kaming dapat mabayaran. Hindi ko pa tapos bayaran ang mga bayarin sa Hospital nung isang beses na isinugod si Inay dahil sa Stroke....
Sana talaga maganda yung magiging trabaho ko dito at para makapagpadala na ako ng malaking pera at makaipon....
Hooo!!
Kaya ko ito!!
Fighting!!!
Itaas ang bandila ng Katipunan!!!
Ay mali....baka mapagkamalan akong may sanib dito sa daan...
Muli kong dinukot sa bulsa ng jacket ko ang papel na nasa akin at binasa iyon ulit....
WANTED!!!
URGENT HIRING-Nangangamuhan
-Yaya
-Katulong
-Kasambahay
-Maid
-NannyMonthly Salary: Php 20, 500
Address: Block 3 Lot 3 Phase 3, Diyosa St. Goddess and Goddesses Villas 3, Brgy. Maganda, Sta. Birhen, Virgin City.
Contact: 0998******* for smart
0932******* for sunYan ang nakalagay sa papel na hawak ko.
Okay na rin at ang laki na rin ng sahod, sakto lang sa pinag-aralan ko..
Bihira ka lang makahanap ng ganyang kalaking sahod sa isang kasmbahay lalo na at Highschool lang ang tinapos ko tapos ang bongga pa nung address ah!!.Puro kaya mga guwapo at magaganda yung nakatira dito???
Ay wag ka na nga magisip nang kung anong kalokohan Letty, magseryoso ko na dahil para ito sa iyong pamilya, kailangan mong makaipon para sa iyong pamilya at para na rin makabalik kasa pag-aaral, sayang din kung hindi ako babalik sa pag-aaral dahil high school lang nataops ko pero kahit naman high school ako hindi naman sa pagmamayabang valedictorian naman ako sa amin.
Sa ngayon ang bunso kong kapatid ang siyang ipagtatapos ko bago ako, nakatapos na rin ang pangalawa kong kapatid kaya nakakatulong na sya sa pamilya kahit konti at crew sya sa isang fast-food restaurant, bali college na lang ang tatapusin niya, part timer sya sa fast-food restaurant, sabi ko ako na muna gagastos sa tuition fee niya pero sabi niya sa akin na kaya naman niyang magpart timer kahit nag-aaral, mana talaga sa akin ang isang iyon masipag.Itinago ko ang papel tapos nagsimula na akong maglakad, ang sabi sa akin ay may sakayan na papunta sa subdibisyon na kung saan ako mangangamuhan, opo tama po kayo nang pagkakabasa, mangangamuhan ako, bakit hindi ako mag trabaho sa iba?, kasi walang tatanggap sa isang high school graduate, ayaw ko naman sa factory worker, hindi ko naman minamaliit ang mga factory worker, hindi lang fit ang katawan ko bilang factory worker, tapos sabi nila isa lang ang rest day ng mga factory worker.
Naglalakad ako at hinahanap ang sakayan papunta sa subdibisyon na tinutukoy sa papel, tapos basta sabihin ko lang daw sa driver ang address nang eksaktong pupuntahan ko, mabuti at mabilis ko lang ito nakita, agad akong nagtungo sa sakayan nang mga nakaparadang tricycle at agad akong nagtanong kung may pila ba tapos nang sabihing wala ay pinasakay na ako sa unahang trycicle na nakaparada, mas mabuti nang magtanong kung may pila baka may magalit sa aking mga tao na may pila pala tapos sasakay agad ako edi namura na ako nang mga nakapila.
Naghintay muna kami nang isa pang makaksama ko na papunta sa subdibisyon na iyon para hindi masayang pamasahe at hindi daw ako lugi, medyo may kamahalan nga lang daw kapag "special" - yung ikaw lang ang sasakay sa tricycle kaya naghintay pa kami, nang may kasabay na ako ay umarangkada na ang tricycle.
"Kuya, sa Block 3 Lot 3 Phase 3 sa Diyosa St. po tayo." sabi ko sa driver para hindi ako maligaw.
"Ah, sa may bandang dulo pa pala iyan, sa mga naglalakihang bahay, teka ineng, bakit ka nga pala pupunta sa bahay na iyon?" tanong ni kuyang driver.
Hindi naman chismoso itong si kuyang driver ano?
"Mangangamuhan po." simpleng sagot ko para hindi na humaba.
"Eh, ang alam ko kasi na mababait ang mga taong nangangamuhan diyan, ewan lang sa amo, bihira na daw ang tumigil ang may-ari nang bahay na iyan dahil sa trabaho nito at minsan na alis pa daw nang ibang bansa para asikasuhin naman ang iba pang negosyo doon na pagmamay-ari mismo nito." mahabang lintaya ni kuyang driver.
Wow!!
Siya na...
Siya na ang mayaman!!
At si kuyang driver na ang chismoso...
Char!!
"Bakit ang dami nyo pong alam sa bahay na pupuntahan at pagtatrabahuan ko po?" tanong ko, sulitin na ang pagka-chismoso ni kuya.
"Eh gelpren ko ang isa sa mga kasambahay doon, hehehe." pa bebe pa itong si kuya.
Nakarating na kami sa subdibisyon at naibaba na rin ni kuyang driver ang isa sa kasabay ko sa tricycle sa isa sa mga magagarang bahay na nasa subdibisyon, namamangha ako sa mga disenyo nang mga bahay dito, walang-wala sa probinsya na puro kahoy ang bahay, may mga semento naman yun nga lang mga mangilan-ngilan lang ang may kaya na magpagawa nang bahay na may semento.
"Parang ang layo naman po ata nang bahay na pupuntahan po natin." sabi ko at nakatanaw sa labas, mapapansing mangilan-ngilan na ang mga magagarang bahay na nakatayo hindi katulad sa unang pinuntahan namin.
"Ay, sa pinaka dulo pa kasi ito, mga paraybeyt haws na ang mga nakatira kasi dito, mas paraybeyt pa ito dun sa phase 1, paraybeyt ang subdibisyon na ito kaso mas paraybeyt ang nasa dulo, yung ultimo ilang kilometro ang haba nang lupain na ito, parang magpapatayo na nang pataniman nang mga prutasan o gulayan, solo nila ang lupain at bahay tapos malalayo ang agawat nang bawat bahay." paliwanag ni kuyang driver.
Sana All!!!
Sila na ang mayaman!!
Sila na ang pinagpala!!!
_____________________________
This is another Story na nakaDraft lang kaya gusto ko nang irelease para mabasa niyo
Sana magustuhan niyo.
___________________________
Drafted: April 16, 2018
Published/Started: January 13, 2021

BINABASA MO ANG
THE BUSINESS CONTRACT
Non-FictionSamahan ang ating bida sa isang nakaka-aliw at nakakabaliw na pangyayari sa kanyang buhay na babago din sa kanyang papanaw sa buhay. All rights reserved kazeno17