Mariane's P.O.V
Nandito ako sa grounds.Tumakbo ako ng tumakbo na di ko napansin na lumuluha ako. Lumuluha dahil binasted niya ko ng di ko siya nililigawan.
Pero malayo pa lang sa may Gazebo nakita ko si Nics,ang friend kong love expert.
"Sorry. Alam kong masakit Mars, pero hindi ka pa ba nagsasawa na lagi kang umiiyak para sa kanya?".
Tumagos yon sa puso yung sinabi niya. Tama si Nics. "Dapat ipaglaban mo siya, Give all of you. Gawin mo ang lahat para makuha mo ang puso niya!".
Humagulgol ako.
"Pero binigay ko na ang lahat para mapansin niyang may gusto ako sa kanya, kaso wala eh manhid siya"i said.
"Sorry. Concern lang ako sayo as a friend"she replied.
"Tama ka dapat mag move on na ko sa mga taong di ako mahal"the last thing I said.
Nicole's P.O.V
Ako si Nicole Buenavista ,friend ni Mariane Danielle Chiu. In love siya kay Robb Gonzalez III na in love kay Jezelle Arnante. Ang gulo noh?
Ito kasi yung nangyari kanina na kinaiyak niya.
~Flashback~
Kasama namin si Robb,friend namin ni Mars (Mariane) ngayon sa computer lab sa school namin.
Dahil ako ang Tulay ni Mariane para mapansin na mahal niya ang lalaki na yun, may pinapatanong ang tanga kong kaibigan(Mariane) sa Mr. Manhid(Robb) na yun. Akong tulay,sinunod naman.
Pero bago ko tanungin si Mr. Manhid. Pinaghahanda ko si Mars sa resulta.
"Uy Robb, parang inlove ka dito sa best friend ko! Nakakahalata kaya!" Sabi ko
Natawa muna si Mr. Manhid.
"Ano ka ba!! Hahaha..Bestfriend ko Yan at parang younger sister ko na rin at...... diba alam niyo namang iba ang gusto ko"yun ang sinabi niya ikinaguho ng mundo ni Mars.
"Ge, clinic lang ako may sugat ako eh" sabi ni Mars
"Tanga mo" sabi ko
"Hala Bakit anong ginawa ko?"
Medyo naluluha pa ko at para di makahalata ang manhid. Nagsinungaling ako.
"Wala, ginawan mo siya ng sugat kaya pumunta siya ng clinic" syempre double meaning.
~End Of Flashback~
At mula ng araw na yon sinimulan niyang Operation Moving-on