02//Operation Moving-on

16 0 0
                                    

Robb's P.O.V.

Ang weird ng sinabi ni Niccs sa akin bago niya sinundan si Mariane.

Ang tanga mo...

Wala ginawan mo siya ng sugat kaya pumunta ng clinic...

Ano yung sugat na nagawa ko? ...Baka nung naglalaro kami ng habulan? Baka nga. Oo naglalaro pa kami ng habulan kahit Grade 8 na kami. Bestfriend ko yan eh. Parang kapatid ko na yan eh.

Worried pa rin ako sa sugat ni Mariane.

Pero bago pa Kung ano ang pinag iiisip ko ay nakita ko siya....si Jezelle Arnante.... ang babaeng espesyal sa akin.....

Nicole's P.O.V.

Doble pala talaga yung meaning ng sugat ni Mariane. Isang sugat ay sa may tuhod niya. At ang isa naman ay ang sugat ng pagmamahal niya kay Robb.

"Nakabasa ko ng isang quote. Physical Pain is really nothing compared to Emotional Pain. Totoo pala yun no?" Sabi niya pagkalabas ng nurse. Umiiyak pa rin siya. Ay mali pala humahagulgol siya.

"Nung bata pa lang kami crush ko na yun... pero hanggang sa patagal ng patagal... Mahal ko na pala siya." umiiyak na sabi niya.

Pagkatapos ay tahimik na lang kami.

Alam ko kung gaano nagpakatanga-este gaano niya minahal si Robb.

Isipin niyo bestfriends kaming tatlo. Lalo na sila since birth pa lang! Kaso malay talaga diyan kay Robb. Sobrang Manhid... samantalang si Mars ay sobra namang tanga...

Nag usap kami sandali..

Magpapaalam na sana ako kay Mariane ng biglang...

"Tama ka. Dapat magmove on na ko sa taong di na ko mahal"

"Tama ka marianne! Di mo siya deserve,di siya worth it!" Sabay hug ko sa kanya.

"Mars simulan na natin ang operation moving-on"...

Note: Ang nickname po ni Mariane ay mars:)

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon