"Anong nangyari satin?" Nakayukong tanong ko. Hindi ko sya magawang tignan dahil nasasaktan ako.Nakatitig lang ako sa baso ng kape ko habang hinihintay ang sagot nya. Kuminang ang singsing ko nang matamaan ng ilaw ng kotseng dumaan. Mapait akong napangiti.
"Hindi ko alam."
Napa-angat ako ng tingin dahil sa sagot nya. Halata sa boses nya ang pagod.
"Let's cancel our wedding" pinal kong sabi sakanya. Tumingin sya sakin gamit ang mga matang una kong hinangaan sakanya.
"Mahal kita" nanghihinang sabi nya.
"Mahal din naman kita" nag init ang mata ko. Pero alam kong kailangan namin ito.
"Pero hindi sapat para manatili ka?" Dumiin ang tingin nya sakin. Nakita kong umigting ang panga nya.
"Pero hindi din sapat na mahal lang natin ang isa't-isa. Kailangan nag kakaintidihan din tayo. Kailangan pinapahalagahan din natin ang nararamdaman ng isa't-isa. Kailangan nag tutulungan tayo. Pero kailan ba ang huling beses na ginawa natin ang lahat ng yan?" Umiwas sya ng tingin sakin. Humigpit ang hawak ko sa baso ko bago nag patuloy.
"Mahal nga natin ang isa't-isa, pero sapat na ba yun para mag patuloy kung palagi lang din nating nasasaktan ang isa't-isa?"
"May iba na ba?"
"Wala" mabilis kong sagot sakanya.
"Ikaw may iba kana ba?"
"Wala." Tumango lang ako sakanya.
"Mahal kita. Alam kong alam mo yan pero... Mahal ko din ang sarili ko. Alam ko yung worth ko bilang babae at alam kong ganun ka din."
"Nasasaktan akong makitang unti-unti tayong nasisirang dalawa dahil pinipilit parin nating manatili sa relasyon na ito."
"Ano nga bang nangyari saatin? Masaya naman tayong dalawa noon diba?" Tumango ako sakanya bago nagpahid ng luha.
"Pero bakit naging ganito? Kasalanan ko ba? Madami ba akong pag kukulang sayo? May mali ba akong ginawa?" Pumiyok ang boses nya dahil sa pag pipigil ng luha.
Agad akong umiling ako sakanya.
"Hindi ka nag kulang. Naging masaya ako sa piling mo totoo yun." Hinawakan ko ang kamay nya.
"Tayo... Tayong dalawa ang may kasalanan kung bakit nag bago ang lahat. Masyado tayong naging kampante na tayo na sa huli, na wala ng makapag hihiwalay saatin..."
Pinahid ko ang pumatak na luha sa pisngi ko.
"Hindi natin naisip na, tayong dalawa ang pwedeng makasira sa relasyon natin. Pareho nating napabayaan ang relasyon natin kaya unti-unting nasira. Unti-unting nagiba ang pundasyon nating dalawa... Na hindi na sapat ang mahal lang natin ang isa't-isa para maayos pa tayo" humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Pagod, sakit, pang-hihinayang, pagmamahal at pag kaunawa ang nababasa ko sa mga mata nya.
"Pero sinubukan naman nating ayusin diba? Sinubukan naman nating isalba?" Tumango ako sakanya at ngumiti ng bahagya.
Totoong sinubukan naming ayusin noon dahil akala namin ay simpleng hindi pag kakaunawaan lang. Naging maayos kami ng ilang buwan hanggang sa naulit nanaman ang pag aaway namin.
"Nahihirapan akong pakawalan ka. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin." Yumuko sya at kinagat ang ibabang labi nya. Lumandas ang luha sa mga mata nya.
Hindi ko na din napigilang umiyak dahil alam kong parehas lang kaming nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Let Go The Pain (One Shot Story)
RandomIn a relationship where 'Love' become a 'word'. And 'Pain' become the 'feeling'. Will you still stay?