Prologue

0 0 0
                                    

Nasaan ako?


May tubig sa paligid, kulay kahel ang kalangitan at papalubog na ang mistulang apoy na bilog.

Bakit masakit ang katawan ko?

Ano itong nasa katawan ko. Manipis na kulay puting tela. Ang aking katawan ay nilalamig na dahil sa tubig na patuloy na nadaloy sa aking katawan.

Teka? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ako nilalamig?

Napatingin ako sa paligid ko. May natamaang matigas ang aking paa.


Sinubukan kong tumayo at ako'y halos manghina sa naramdamang sakit. Napatingin ako sa aking mga paa. May nalabas na kulay pulang likido na mas lalong nagpapadepina ng aking nararamdamang sakit.

Teka, ano nga ulit ang nangyari?


Bakit parang nahihilo ako. Bakit nanghihina ang aking tuhod. Sandali, hindi maaari ito.




May namataan akong lalaki na naglalakad patungo sa gawi ko. Tumakbo sya upang lapitan ako. Nang makalapit sya ay kasabay na din ng aking bigla ang pagbagsak. Sa kabutihang palad at nasalo nya naman ako. Nanghihina na ang aking tuhod. Masakit.

Naramdaman ko ang kanyang mga palad na ubod ng init. Para akong hinehele ng kanyang mga matang kulay abo.



“Ano ang pangalan mo”, may halong pag aalala ang kanyang mga mata ng iyon ay kanyang tanungin sa akin.





Pilit kong pinipiga ang mga ala-ala sa aking isipan. Pero kasabay non ay ang unti-unting pagkawala ng mga ito.




“Ako si… Athena” akin nalang nasabi dahil unti unti ng hinihila pababa ang aking katawan at kasabay non ang matinding kadiliman na bumalot sa aking sistema.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Along with the GoddessWhere stories live. Discover now