Text

54 1 0
                                    

Sa pagtunog ng CP mo

"Gud am, gudnyt, o kain ka na po"

Ang madalas mong marecieve mula sa akin

Wag ka sana makulitan

Sa aking pagpaparamdam

Dahil isang bagay lang ang kahulugan nito

Ang pagka miss ko sa iyo

Sa dami ng text ko

Kasing dami ng pag-iisip ko sa iyo

Di mo man mapansin

At ang simpleng text ko ay balewalain

OK lang kahit deadmahin

Ayos lang sa akin

Basta't ang mahalaga

Maiparamdam ko sa iyo ang aking pagpapahalaga

Idelete mo man

At wag akong replyan

Walang kaso sa akin

Kung ako'y di mo pansinin

Dahil di ka obligado

Na sagutin ang text ko

Unli naman ako,

kaya't di kabawasan sa load ko

Pero sana maisip mo

Ang effort ko sa pagpindot ng mga letra

At paglaan ng mga segundo matext lang kita

Salamat sa pagbabasa ng message ko

Sana hindi yun kabawasan sa busy schedule mo

At sana sa simpleng paraan ko

Masabi kong "ANDITO LANG AKO".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon