"shot! shot! I-shot mo na yang Ellie" sigaw sa akin ng mga kaibigan ko sa bar habang hawak ang basong puno ng alak
"isang malaking kababalaghan na naman ang magaganap pagkatapos nito" sabi ni Kaifer sa akin na para bang may kung anong inilagay sila sa aking baso
"Anong premyo kapag naubos ko tong alak na 'to?" tanong ko sa mga kaibigan ko dahil hindi ako papayag na inumin ito kung walang premyo dahil ayun na ang nakasanayan naming magkakaibigan
"Isang gabi kasama si Calix" sabi naman ni Clark sa akin na tila ba' y alam nya ang magpapahina sa akin dahil alam nito na matagal ko ng gusto si Calix dahil nung bata pa lang ako iniligtas niya ako sa mga nambubully sa sakin na naging dahilan para magustuhan ko sya at para baguhin ko ang sarili ko noon kasi hindi ako marunong magayos pero dahil sa kaniya ginusto kong matuto magmake-up at maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha at katawan
"G ako, isang gabi kasama ako kapag naubos mo ang isang baso kasama ang isang basong iniinom ko" sambit ni Calix na halata sa kaniya ang pagkaseryoso sa paghamon sa akin.
"fine, sige iinumin ko yan pero ang premyo wag kakalimutan" sabay kindat kay Calix at marahang iniangat ang baso para inumin.
"Go Ellie! Go!!" sabi nila habang tuwang tuwang makitang iniinom ko ang dalawang basong puno ng beer nakatingin lamang si Calix sa akin habang halata sa mukha ko ang pait ng iniinom ko
"Tama na yan" pagpipigil sa akin sa paginom nakakakalahating baso pa lang ako pero gusto niya ng itigil ko ang paginom
"hindi pa tapos si Ellie, patapusin mo muna para mai-kama mo na siya" sigaw ni Chris kay Calix
Agad namang sinuntok ni Calix si Chris dahil sa sinabi nito"Tarantado ka ah? Ano tingin mo sa 'kin? Ikakama ko si Ellie?" tanong nito at biglang hablot sa kamay ko
Hindi ko na rin napiglas ang kamay niya dahil nga sobrang higpit ng hawak niya, nang medyo nakalayo layo na kami agad ko siyang tinanong"Ano bang problema mo? Kita mong nageenjoy pa ako sa paginom tas panira ka naman" pataray ko itong sinabi sa kaniya dahil nainis rin ako pero malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil inilayo niya ako sa kapahamakan, alam kong may balak rin si Chris sa akin kaya medyo ilang ako sa kaniya
"Siraulo ka ba? Rinig mo ba mga pinagsasabi nila sayo? Tingin nila sayo pang kama ka lang!" galit niyang sinabi sa akin na halatang maluha luha na siya sa galit
"rinig ko sila Calix! Rinig na rinig ko mga pinagsasabi nila pero nagsasawalang bahala lang ako dahil ayoko ng gulo!" akala niya siguro hindi ko alam na ganun ang tingin sa akin ng tropahan
Agad namang umalis si Calix at iniwan akong magisa sa parking, pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan kaya hindi ko na rin siya nahabol kahit gamitin ko pa ang sasakyan ko, isa kasi siyang racer noon kaya kahit anong bilis ko hindi ko rin siya maaabutan
Umiyak na lamang ako sa tabi dahil sobrang sakit marinig kay Calix ang salitang pangkama lang ako, oo alam ko sa sarili ko na hindi, hindi lang ako pangkama, hindi lang ako basta basta babae!
Sa pagtuloy ng pagtulo ng aking luha ay may tao pala sa harapan ko, pinunasan ko ang luha at sipon ko nakakahiya naman kasi
nakita ko ang mukha niya gwapo siya, matangos ang ilong, maputi, singkit, at malaki laki rin ang katawan kitang kita sa damit niyang itim na hapit na hapit ang naglalakihan at nagdadamihan niyang pandesal,
"te-teka kilala k-ko to ah?" pagtataka ko dahil namumukhaan ko siya medyo nahihilo na ako dahil sa ininom kong alak kanina na nilagyan pala ng pampahilo
"Ca-Calix?" tanong ko sa lalaking gwapo sa harapan ko
Tumakbo naman siya ng mabilis akala mo nakakita siya ng multo, aba sa ganda kong 'to nakuha pa akong takbuhan! Maling mali ang ginawa niyaMaya maya ay may tumawag sa akin
"Ms. Kaibigan ka ba ni Calix De Voughn?"
Sabi ng babae sa telepono, may nagkakagulo sa background ng call"oo ako nga po, anong pong kailangan nila?" tanong ko sa kaniya dahil nangangatog na ako, kani-kanina lang kasama ko pa si Calix tapos ngayon asa hospital?!
"Wala na po si Sir Calix"
"wa-wala na si Calix?, Miss si-sigurado ka ba d-diyan?" tanong ko sa kaniya na maluha luha na ako
"Miss malala ang tama niya, Car Accident ang ikinamatay niya"
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin,
"lasing lang ba ako? Anong nangyayari? Kanina lang kasama ko siya, kanina lang nakita ko siya, ngayon wala na siya?" Walang wala na akong sa sarili ko hindi ko na alam kung anong gagawin koHindi ko alam kung ano pa bang mangyayari sa buhay ko kung mawawala siya,
Kasalukuyang naglalakad si Ellie sa kalsada na para bang walang wala siya sa sarili niya, halatang balisa ang dalaga sa gitna ng daan
"MISS TABIIIIII!!!"
"Bang""Calix mahal ko, magkakasama na tayo mahal na mahal kita"
-End