CHAPTER 12

1 0 0
                                    


*******

"Nakatulog pala ako"sabi ni Zach ng magising siya

Napatingin siya sa labas. Napansin niya na madilim na "gabi na pala"kinuha niya ang kanya cellphone at tinignan kung ano oras na "7:16 na pala ng gabi, napahaba yata ang tulog ko"

Bumangon na siya at pumunta sa banyo para mag hilamos at mag suklay. Nang masiguro na maayos na ang kanyang itchura ay lumabas na siya ng kwarto.

Pagkalabas niya ng kwarto sakto naman na bumukas ang pinto ng kabilang kwarto at lumabas si Kurt na bagong ligo.

Nagkatinginan silang dalawa pero sabay ding nag iwas ng tingin

Argh kainis bakit pa siya lumabas?' Sa isip ni Zach..naalala nanaman kasi niya ang nangyari sa sasakyan kanina

'Ano nanaman kayang iniisip ng babaeng to?' Sa isip ni Kurt

Hindi muna bumaba si Zach dahil hinihintay niya na mauna si Kurt, pero si Kurt hinihintay din na maunang bumaba ai Zach.

'Wala bang balak umalis yan diyan?' Tanong ni kurt sa sarili niya dahil nakatayo lang si Zach sa tapat ng pinutan niya.

'Ano nanaman bang balak ng damuhong to? Bakit hindi pa siya umaalis?' Sa isip ni Zach habang hinihintay na bumaba si Kurt

Ilang minuto silang nakatayo sa tapat ng kanya kayang kwarto at naghihintayan kung sino ang mauunang bumaba. Ayaw naman si Zach na makasaby ky Kurt dahil naiinis parin siya dito

Si Kurt naman hinihintay lang na maunang bumaba si Zach. Maya-maya napag pasyahan na ni Zach na bumaba dahik nagugutom na siya, ganun din si Kurt.

Mas lalong nainis ai Zach dahil nagkasabay silang dalawa 'arghh nakakainis na talaga ang lalaking to! Ang sarao sapukin sa ulo' sa isip ni Zach.

Hanggang nakarating silang dalawa sa baba na hindi nagkikibuan at parehong naka busangot ang mga itchura.

"Oh? Anyari sa inyong dalawa? Linggo na linggo pang byernesanto yang mga mukha niyo" tanong ni Brylle sa kanilang dalawa. Pero walang sumagot at ang dalawa umupo lang sa sofa

"Nagka LQ lang kayo, pati kami nadamay pa....haneeppp talaga" sabi ni Brent at sabay siyang binato ng unan ni Zach at Kurt

"Aray naman! Bakit kayo nambabati ha?" Tanong niya

"Anong LQ? Hoy hindi kami LQ dahil walang kami!" Sigaw ni Zach

"Eh bakit nakabusangot kayong dalawa? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni brylle sa kanila

"WALA!" Sabay na sigaw ni Zach at ni Kurt

"Hahaha Dapat ba sabay talaga kayong dalawa?" Natatawang tanong ni Brent

"Guys! Kain na tayo"sigaw ni Kai mula sa dinning area

Dali dali naman silang tumayo at pumunta na sa dinning  area.

Hanggang nakarating sila sa dinning area ay tahimik parin ang dalawa.

Habang kumakain, hindi kumikibo si Kurt at Zach. Ang apat na kaibigan naman nila nagtataka sa pananahimik nilang dalawa

"Zach sure ka ba na okay ka lang?"tanong ni kai sa kanya

"Okay lang ako" sabi niya

"Zach, baka mamaya may sakit ka napalang nararamdaman pero hindi mo lang sinasabi samin"---brent

"Oo nga naman Zach, napansin ko kasi na parang kanina ka pa natatahimik na mukhang bad mood ka"----brylle

"Okay lang ako...ang sama lang kasi ng gising ko kanina, kasi naman pagmulat ng mga mata ko mukha agad ng ipis ang bumungad sakin kaya ayun na badtrip ako" pagdadahilan niya. Si kurt naman ay biglanh mapaubo dahil nabulunan

Living With Five Hot Car RacersWhere stories live. Discover now