Prologue

9 0 0
                                    

Mahigit sampung taon narin ang nakalipas ang daming nagbago sa pag tapak ko sa lugar na ito tila parang bumalik ang napakaraming ala-ala. sampung taon na ang nakakalipas asan na kaya siya? Kamusta na kaya siya?

------------------------------
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Huxley, naguguluhan ako ang hirap sakin dahil sa halos simula bata palang kami, kami na ang magkasama hanggang pagtanda siya ang naging sandalan ko sa lahat pinagtatanggol niya ako sa mga umaaway sakin, pati pag may problema ako siya lang andyan para sakin, pero napakahirap ng sitwasyon ko ngayon hindi ko na alam sobrang lungkot.

"Calista anak may tumatawag sa phone mo." saad ni mommy habang nagluluto sa kusina

Dali dali akong bumaba sa hagdan at tiningnan kung sino ang tumatawag agad ko naman itong sinagot ng makitang si Huxley ang tumatawag.

"Hello cali pwede pa tayong mag usap doon sa paborito nating lugar." malamig niyang sabi

"Ahhh, sige, magbibihis lang ako saglit byee." agad kong binaba ang phone ko at umakyat sa taas upang magbihis. eto na siguro yung hinihintay kong pagkakataon sasabihin ko na sa kanya medyo kinakabahan pa ako, pero huminga ako ng malalim at bumaba na.

"Mommy magkikita lang kami ni Huxley balik din ako mamaya."

"Oh sige mag iingat ka, tsaka sabihin mo na rin sa kanya para gumaan na rin loob mo kasi pansin ko naguluhan ka din sa naging desisyon namin ng daddy mo."

"Okay lang po, alam ko naman pong para sakin din yon, alis na po ako."

hinalikan ko siya sa pisngi at agad kong pinaandar ang kotse at nagtungo sa lugar na lagi naming pinupuntahan.

Hindi pa ako nakakababa pero natanaw ko na agad siya nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba, huminga ako ng malalim at sinubukang kumalma, ang hirap talaga sabihin lalo na sa best friend mo.

"Oh andyan ka na pala kanina ka pa ba?"

"Ah actually kakarating ko lang."

Umupo kami sa upuan na gawa sa kahoy at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

"Nakakamiss dito no, tagal din nating di nakapunta dito busy sa school daming nangyayari."

saad ko habang nakatingin sa kalangitan

"Oo nga namiss din kita, sobrang busy mo, di na tayo nakakapagusap minsan kamusta naman mga pinapagawa ng mga subject teachers niyo?"

"Ayon halos lahat kami na stressed pero finally tapos na rin buti nga ikaw natapos mona ginagawa mo ng maaga."

Hindi kami mag kaklase ni Huxley Abm siya at Stem naman ang strand na kinuha ko magkaiba kami ng strand
Dahil may kanya kanya kaming pangarap hindi naman pwedeng lagi na kaming magkasama no! dahil simula elementary hanggang high school kami na magkasama pati ba grade 11-12 magsasama kami? Pero okay naman dahil pagkatapos ng klase sinusundo niya ako lagi pati pag lunch or break time sabay kami kumain, wala yatang araw na di kami magkasama haha, pero ayon naging busy ako at ngayon lang ulit kami nakapagusap, isang linggo nalang graduation na namin mag cocollege na kami ambilis ng panahon parang kelan lang.

"Kawawa ka naman bat di ka nalang kasi sumama sakin para sabay tayong gumagawa ng assignments or projects diba?" saad niya habang tinatawan ako

"May pangarap ako meron ka rin kaya hindi naman pwede lagi tayo magkasama may time na maghihiwalay din tayo"

bigla kong naalala yung sasabihin ko sa kanya pero binaling ko ang atensyon ko sa kanya dahil gusto ko sulitin ang oras na kasama ko siya kung pwede lang pabagalin ang oras gagawin ko makasama ko lang siya, sana maging masaya ka.

"Ano ba plano mo? basta sinabi mo sa akin na gusto mo mag stem pero hindi mo sinabi kung ano gusto mo maging."

"Ayaw mo yon para surprise pag nagtupad ko na yon saka mo palang malalaman."

"May pa surprise ka pa baka nga magulang mo pa bubuhay sayo, sa yaman niyo hindi mo na kailangan magtrabaho."

"Kahit ganon gusto ko din naman umangat someday ako na bubuhay sa sarili ko at pag matanda na sila mommy ako na mag aalaga sa kanila, tapos ikaw ipapasyal kita sa paris diba pangarap naten makapunta don." saad ko habang tinititigan siya.

"Ako dapat magsabi sayo niyan eh pag natupad ko rin pangarap ko kahit saan mo gusto ipapasyal kita."

"Yung asawa mo dapat yung ipasyal mo wag ako, napakaswerte siguro ng mapapangasawa mo."

Pansin ko ang pag ka ilang niya.

"Napakaswerte mo."

"Ha? Ano sabi mo?."saad ko na may halong pagtataka.

"Wala, actually may sasabihin talaga ako sayo matagal ko na itong gustong sabihin pero ngayon lang ako naglakas ng loob." napabuntong hininga si Huxley at pansin ko ang kaba sa kanyang mukha.

Nagulat ako dahil hindi lang pala ako ang may sasabihin.

"Ahhh ako rin, may gusto rin ako sabihin sayo hindi ako mapakali ilang beses ko rin pinagisipan kung sasabihin ko ba, buti nga tumawag ka at inaya mo ako rito. sa tingin ko ito na ang tamang oras."

"Mauna ka na." saad niya

"Ikaw na kinakabahan ako eh."

"Ikaw na mas importante ata yan."

"Sabay nalang kaya tayo."

"Sige magbibilang ako."

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo."

"Gusto kita Cali."

"Mag aaral na ako sa states."

Nagulat kami pareho sa sinabi naming dalawa.

Wala akong masabi sa sinabi niya parang hindi nag process sa utak ko ang lahat.

"Wow, ma-mabuti naman haha galingan mo don ha, sabi ni mama dito daw ako sa UST mag aaral."ramdam ko ang lungkot sa mata niya pinipilit niya paring ngumiti dahil alam niyang yon makakabuti sakin

"Napagdesisyunan kasi ni mommy at daddy na doon ako mag college dahil mas madaming opportunities na makukuha pag doon daw ako, madali lang humanap ng trabaho, kahit ayoko umalis wala naman akong magagawa." saad ko

"Ahhh." yaan lang ang nasabi niya dahil nagulat din siya sa sinabi ko.

"At doon sa sinabi mo, Kaibigan lang tingin ko sayo Huxley sorry, alam kong marami na tayong pinagdaanan as a friend pero di ko naiimagine na mag wo-work tayo as a couple." saad ko habang tumutulo ang luha saking mata.

"Ah ganon ba, okay lang naman saakin mas maganda na sigurong ganto kesa wala diba? Sige mauna na ako baka hinahanap na ako ni mama."pinunasan niya ang luha sa mata niya at
Tumalikod na sasakay na sana sa sasakyan ng bigla niya akong lingunin.

"Mag iingat ka don ha alagaan mo sarili mo wala ako don."

Binigyan ko lang siya ng ngiti sumakay na siya sa sasakyan niya at naiwan akong magisang umiiyak humagulgol lang ako dahil nabalot ng lungkot ang aking sistema.

Simula non naging cold na sakin si Huxley kapag tinatawagan ko siya lagi siyang lasing pero di naman siya umiinom dati nung magkasama pa, dahil nagagalit ako pag niyaya siya ng tropa niya.

Sobrang lungkot ko nung mga araw na iyon pati graduation namin binati ko siya ng congratualations pero thankyouu lang ang tanging sinabi niya.

sinubukan kong papuntahin siya sa bahay upang mag celebrate pero hindi siya sumipot.

napakalungkot ko noon hanggang sa pag alis ko wala akong nakitang Huxley.

nag iwan lang ako ng sulat sa kaniya at tuluyan na akong pumunta ng america wala na akong naging balita sa kaniya hanggang ngayon nagsisisi ako na iniwan ko siya pero wala akong magagawa eto lang siguro nakatadhana saming dalawa.

Masyado pang maaga (A Novelette)Where stories live. Discover now