"Pupunta ba tayo sa birthday ni Nico?" Tanong ko kay Cara habang nakadapa sa bed niya at gumagawa ng assignment.
Friday night kasi ngayon. Nandito kami sa kila Cara para sa sleep over namin. It's been kind of a tradition since junior high. Minsan sa bahay namin, minsan sa bahay nila Lexi, at ngayon dito kila Cara.
Tumingin sakin si Cara. "Ewan ko. Invited ba kayo?" Tinaasan niya ko ng kilay.
"Aba, oo!" sabi ko habang bumabangon sa pagkakadapa. "Ako pa ba makalimutan nun?" Umupo na lang ako.
Si Nico yung kaklase ni Cara na magbibirthday bukas, may pa-party daw, inuman siguro ganon. Naging kaklase ko siya nung junior high pero ngayon hindi na kasi nga STEM ako at HUMSS siya.
"Tanungin mo sila Noah kung pupunta." Sabi niya habang patuloy sa pagsusulat sa notebook niya.
"E tayo nga ang tinatanong kung pupunta daw tayo. Pag daw hindi edi hindi na rin sila." Napakagat ako ng ibabang labi ko nung naalala ko yung chat niya kanina. Gusto niya daw e nandun din ako, ibig sabihin gusto niya kasama ako palagi.
Nakita siguro ni Cara yung pagpigil ko ng kilig ko kaya kinurot niya ako sa tagiliran. "Hoy, gaga alam ko nasa isip mo ha. Wag ka ngang malandi dyan, natural lang na gusto kang kasama nun at kaibigan ka."
Nakasimangot kong ni-rub yung part na kinurot niya. "Parang tanga naman nito, panira palagi e. Malay mo crush niya din ako secretly, ayaw niya lang aminin kasi baka di ko siya gusto at masira friendship namin, diba?"
Cliché, alam ko. Pero syempre minsan naiimagine ko pa din na ganun talaga yung case. At saka ilang beses ko na ring napanaginipan na ganun.
"Ikaw, pinapaasa mo lang sarili mo." Cara pointed at me. "Pag iba pala gusto niyan, iiyak iyak ka."
Sa sinabi niyang yun, naalala ko na naman si Anya.
"Crush kaya ni Noah si Anya?"
Nagkibit-balikat si Cara. "Ewan ko. Tignan natin bukas."
Napakunot noo ako. "Anong meron bukas?"
"Kasama kasi si Anya sa birthday ni Nico." Sabi niya na bigla ko naman ikinairita.
"Bakit kasama yun?" Sabi ko na nakasimangot.
Natawa si Cara sa mukha ko. "Syempre't kaklase. Tsaka ka-close din yun ni Nico."
Wala na! Excited pa naman sana ako na makipagparty kasama sila Noah. Tapos sisingit na naman yang Anya na yan. Nakakainis. Parang kontrabida talaga samin e.
"Jasmine umayos ka. Mahahalata ka na niyan."
"Mahahalatang ano?" Sabi ni Lexi pagdating niya galing sa cr.
Nagpanic ako, baka kasi narinig niya yung usapan namin ni Cara, baka malaman niya na crush ko si Noah. I was about to say a dumb excuse when Cara spoke.
"Mahahalatang di marunong magsayaw. Pinag-uusapan kasi namin yung pa-party ni Nico bukas, e gusto daw sumayaw ni Jasmine." Phew.
Natawa si Lexi. "It's gonna be fine. Alam na naman ng lahat na di ka marunong." Aba!
Binato ko siya ng unan. "Yabang ni Lexi Lore. Kahit naman anong galing mo sumayaw, ginoghost ka pa din." I said and stuck out my tongue, mocking her.
YOU ARE READING
When Flowers Bloom
Teen FictionJasmine's had a crush on her friend Noah for almost six years now. Desidido na siyang hindi umamin at panatilihin nalang ang kanilang pagkakaibigan, but everything changes when they reach their last year in highschool. A new girl came along and Jasm...