Friendship or Love?

117 3 0
                                    

No part of this story may be reproduce, stored in a retrieval system or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without prior permission of the author, unless recognized by law. 

--------------------------------------------------------

FRIENDSHIP or LOVE (One Shot)

Written By

Leyshii

Former: ohohForeverSingle

October 2012

AUTHOR’S note: This story was based half on my experiences when I was in High School then the rest ay purong imagination ko na. (^_________^)V

Tsaka pardon the grammar! Trying hard ang lola eh! :P

FRIENDSHIP or LOVE?

“Bakit pag mahal mo ang isang tao nagkakagusto siya sa iba, ikaw na nga nagsakripisyo at ikaw pa ang nawalan. Bakit ganun? Ang masakit pa nun mahal mo na nga nawala kilala mo pa ang kumuha!"

-Nicole Angelique de Vera

Paano nalang kaya kung ang unang tao mong minahal ay inagaw ng kaibigan mo? ISANG MATALIK NA KAIBIGAN?

Naku mali pala ako, "WALANG NANG-AGAW."

Paano nalang kaya kapag nalaman mo yun? Anong gagawin mo?

Pero alam mo sa sarili mo na wala kang dahilan kasi hindi naman naging kayo.

***

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnngggggg! 7:00 am naah!

Naku! Pasukan na pala, katatapos lang kasi ng Christmas vacation. Sana naman yung wish ko nung pasko eh matupad this year. What's my Christmas Wish? Akin nalang yun!

Yes sa wakas makikita ko na ulit ang pinakamamahal kong si Justin Delgado. Hay naku, kahit magkita naman kami araw-araw hindi naman niya ako pinapansin. Paano ba naman DOTA ang matindi kong karibal. Wala nga siyang girlfriend pero ang lecheng DOTAng yan ang panira sa lovelife ko. Haaay! makapagligo na nga. Nakakastress isipin. Good vibes dapat.

Hello! Ako nga pala si Nicole Angelique de Vera. 16 years old. NBSB o No Boyfriend Since Birth, you know na si Justin lang naman ang gusto kong maging boyfriend dibaa? Kasama ko ngayon ang aking mga kapatid papuntang school.

Si Samantha, 2nd year highschool at si Christine, grade 5. At ako 4th year highschool sa St. Benedict International School.

Excited na akong pumasok. Miss ko kasi yung mga friends ko at syempre ang love of my life ko si JUSTIN!

Okay ate! sige go na, nandoon na si kuya Justin ooh.” Kaloka talaga tong kapatid ko pakielamera. Humaaygaad  kitang-kitang ko na siya! Naku andaming basurang kasama!? Baka madumihan pa ang my loves ko!

“Che! Umalis ka na nga. Nandito na ang mga friends ko.” sorry sis ikaw pa ang naaway ko.

“Hi mga atee! Sige alis na po ako pinapaalis na kasi ako ng isa dyan! Babye!” 

“Girls tara na!” ang sabi ni Abby.

Kasama ko nga pala ngayon ang Bestfriend ko na si Sheena Kaye Vicente at mga loka-lokahan kong mga friends ang CUPIDBUNCHES

Alam niyo ba kung bakit nag-click kaming walo? because of a common status: NBSB pa kami.

Ganun talaga kahit magaganda, matatalino at mababait kami, hindi pa kami pinagpalaan ng BOYFRIEND. At ayun pumasok na kami. 5 minutes before the time.  Oh yeah spotted kaagad si Justin my loves.

Friendship or Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon