Dear Diary,
First time ko magsulat sa ganto. Di ko alam kung ano ba dapat ishare. Pero sige, kwento ko nalang nangyari sa araw ko ngayon. Nagising ako sa sigaw ni mommy sakin. Di nanaman daw ako tumapos ng hugasing plato hehe, di naman kasi ako nag hugas ng mga plato kagabi kundi yung kapatid ko. As usual sermon here, sermon there. Nakakasawa sa totoo lang. Kahit gawin mo yung best mo, never niyang makikita yun dahil sa mali siya nakafocus. Edi ako, okay, kilos here, kilos there. Naghugas na din ako ng plato kasi turn ko na. Salitan kasi kami nung dalawa kong kapatid. Nung natapos ako, nagprepare naman ako ng lunch ko. Nagluto ako ng calamares kasi natatakam ako sa mga picture sa fb. Syempre di pa tapos bunganga ni mommy dun. Inutusan kami ng kapatid ko na mag ligpit ng salas at kusina. Too bad, tinopak kapatid ko. Pinag liligpit ko ng kusina kasi siya na, salitan nga kami diba. Pero yung mga natatanggap ko galing sa kanya eh mga sigaw na "Teka lang!", "Manahimik ka nalang!", "Gagawin ko naman yan, teka lang!". Odiba ang saya. Pero me, as a person, I have anxiety, and sobrang lala ng level kagagawan ng quarantine ngayon. Syempre ikaw ba naman na may ganyan, iisipin mo na ikaw ulit sisisihin, pag iinitan, at papagalitan pag naabutan pang di maayos ang salas at kusina. Edi naiyak nako. Hehe iba na nasa utak ko eh. Tinanong naman ako ni mommy kung anong problema ko, edi sinabi ko side ko, only to recieve "Wag kang umiyak jan, istorbo ka" from her. Hehe saya noh? Nakakawala ng worth bilang tao. Until sa ayun, napilit kong magligpit yung kapatid ko, nakapagligpit na din ako. Nakatulog din ako sa sobrang iyak kanina. I was half asleep when I heard mommy saying "Paiyak iyak pa siya kasi siya daw papagalitan, parang musmos." Sakit diba? Sa nanay mo pa nararamdaman kung gaano ka kawalang halagang tao. Everything was fine after kasi I have my boyfriend who always cheers me up kahit gaano kagago yung mundo sakin. Until this time, mag rrosary na kami, routine na din kami namin mah rosary tuwing gabi. Ayan nanaman ang mga words ni mommy na parang sinasaksak puso ko. Gusto ko sabihin na "Ma, tama na. Di ko na kaya. Di na kaya ng utak ko. Di na kaya ng puso ko. Masyado ng masakit. May anxiety na ako sa kakaganyan niyo." Pero syempre alam ko naman sasabihin niya sakin. Alam niyo kung ano? HAHAHA eto, "Sus, nagiinarte ka lang. Tumigil ka sa pag iinarte mo." Hahaha saya saya diba? Dito ko to sinulat kasi mababasa ni mommy sa messenger ko kapag nag open ako sa mga kaibigan ko or sa bf ko. Gusto ko lang din na ilabas dito yung mga nararamdaman and kung ano nasa utak ko. Pati kasi sarili kong pamilya hindi ko na mapaglabasan ng sama ng loob. Para lang din gumaan loob ko. Goodnight Diary. Bukas ulit!