One Shot

12 2 0
                                    

*KRINGGG KRINGGG* biglang nagising ang diwa ko nung tumungo ang alarm clock ko

Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa CR upang mag hilamos. Panibagong araw, panibagong na boring na araw. Na pa titig ako sa salamin at bigla na lang ako na paisip kelan kaya ako pwede maging masaya? Yung maging masaya na malaya. Kahit kelan di ko pa nararamdaman yun dahil sa puso ko. Oo may problema ako sa puso ko, yung tipong bawal maging masaya ng sobra dahil di kaya ng puso ko o kahit nga lang mapagod bawal. Habang nag mumuni ako sa CR tinawag ako ni mama

"Nak gising na, anong oras na" sigaw ni mama galing sa baba

"Opo ma pababa na" balik na sabi ko. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at bumaba na

"Good morning ma" ngiti ng sabi ko

"Good morning din, ge kain ka na jan tas pwede ako makisuyo sayo? Kasi may kailangan ako gawin mamaya" tanong sakin ni mama habang ako ay susubo pa lang ng pancake

"OK lang ma ano ba yun?" tanong ko at sabay tingin sakanya sabay subo

"May bagong lipat kasi jan sa kapit bahay may ginawa kasi akong Maja Blanca pero mamaya mo pang hapon ibibigay pinapalamig ko pa naman" sabi ni mama habang nag aayos sa kusina

"Ok ma tutal yun lang naman di naman agad ako mapa pagod agad" sabi ko at inubos na ang pancake

Lumipas ang oras naka pag Lunch na rin kami. Dumating ang hapon at kailangan ko na ibigay sa kapitbahay ang Maja na ginawa ni mama.

"Ma bigay ko na to sa kapitbahay ah?" ang sabi ko kay mama na nakaupo sa sala

"Ok nak" ang reply nya

Papunta na ko sa tapat ng bahay nila at nang kumatok ako lumabas ang isang lalaki galing sa pinto. Napahinto pa ko dahil di sya ordinaryong tao lamang kundi isang idol na iniidolo ko. Seryoso to? Baka nanaginip lang ako? Nakatitig lang ako sakanya habang nakatingin ng pag tataka at ng ma realize nya na di nya ko kilala. Titili pa lang ako ng mag salita sya

"SHHHHHHH wag kang maingay Please" sabi nya ng may halong nag mamagkaawa

"Ah eh ahh ummm...A-ano? O-ok oo?" yan lang ang nasabi ko sakanya dahil sa kaba ko. TAE sino ba naman di kakabahan yung iniidolo mo nasa harapan mo at kapitbahay mo pa sige nga

"Ummm bakit ka nga pala nandito?" tanong nya sakin

"Ahhh ano ano ahh kasi ano" tinignan ko yung hawak hawak ko dun ko lang ulit na alala kung bakit ako nandito "Ahh! Pinapabigay ni mama pang welcome sainyo. Halos lahat kasi ng tao dito sa subdibisyon ano ahh mag kakaclose kaya ano pang welcome sainyo yun!" Hooo grabe ang hirap mag salita ng maayos tas yung titig nya pa shemay nakaka kilig. Hinga malalim Jane baka atakihin ka nyan bigla

"Ah wow thank you and btw sana walang nakaka alam na kung sino yung tao dito at nandito kami, please" sabi nya

"Ahh oo naman don't worry" Sabi ko naman sakanya "Sige alis na ko, masarap yan sana magustuhan nyo" ngiti ng sabi ko

Aalis na sana ako pero may gusto akong itanong. Humarap ulit ako sa pintuan buti na lang pasara pa lang. Bago nya isara nag salita na ko

"Ummmmm if you don't mind pwede mag tanong?" nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok

"Oo naman ano yun?" sabi nya na muling binuksan ng malawak ang pintuan

"Ummmm ano kasi gusto ko lang itanong bakit kayo dito nandito? I mean di naman sa ayoko hehehe pero kasi sa ki-dami dami ng subdibisyon dito, dito nyo pa napili hehehe" nahihiyang sabi ko

"Ahh HAHAHAHA yun lang naman pala gusto mo itanong. Ok sasabihin ko sayo mapag kakatiwalaan ka naman. Marami kasing death threats ang natatanggap namin lately samin kaya di kami nakaka pag live or pic para ma update mga fans namin. Dito rin kasi na pili ng manager namin dahil konti lang tao at mas ligtas" sabi nya habang naka ngiti. SHEEEEEEMS matutunaw ako neto Taehyung

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon