𝐏𝐚𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐢𝐩 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚✔︎

7 1 0
                                    

𝙽𝚄𝙼𝙱𝙴𝚁 𝙾𝙽𝙴➪𝐏𝐚𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐢𝐩 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐚-𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚✔︎

𖦹𖦹𖦹𖦹𖦹


             Pag labas ko ng aking tahanan ay sinalubong ako ng paghulog ng isang piraso ng dahon sa aking paanan. Kasabay no'n ang sunod sunod na pagbagsak ng mga dahon.

Sa wakas taglagas na.

            Tuluyan akong lumabas ng aking bahay at nag lakad sa gilid ng kalsada.

            Maraming tao, maraming naguusap at maraming turistang tulad ko.

             'Di ako makapaniwalang nandito na ako, sa pangarap kong bansa, ang Seoul-South Korea.

                Tumigil ako sa isang tindahan. Matagal pa akong tumingin doon bago tuluyan pumasok. Napatigil ako sa pagpasok. Bumungad saakin ang nakahilerang mga album ng mga iniidolo ko. Kumuha na ako sa isa sa mga iyon at nag lakad lakad sa tindahan na pinasukan ko.

                 Makalipas ang ilang oras na pagtingin tingin ko ay nakaramdam ako ng gutom. Binayaran ko ang aking pinamili at tuluyang nilisan ang tindahan. Pumunta ako sa isang fast food chain. Nag order ng pagkain, lumabas doon at umupo sa isang bench.

Bago ako tuluyang kumain ay isinalpak ko ang aking mga earphones ko at nakinig ng musika ng mga iniidolo ko. Kalmado lamang akong kumakain habang nakikinig ng musikang kinanta ng iniidolo ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya habang nasa chorus ang musikang pinapakinggan ko at nagsimulang sumabay sa kanta.

May umupo sa tabi ko ngunit hindi ko ito pinansin at nag tuloy sa pagkain habang sumasabay sa bawat beat ng musika.

"You really like that song?" narinig kong tanong ng katabi ko at kilala ko ang boses na iyon nasisiguro ko.

Unti-unti akong lumingon sa kanya. Mbilis ang tibok ng puso ko. Bakas sa mga mukha ko ang gulat. Napalunok ako ng todo. Halos mabitawan ko ang hawak kong pagkain. Naghalo-halo ang mga nararamdaman ko. Saya, gulat, kaba at excitement lahat yan nararamdaman. Ngumiti sya saakin kaya naman parang bumagal ang oras, bumagal ang pagbagsak ng mga dahon. Para kaming dalawa lamang ang tao roon. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Payakap na sana ako ng biglang...

            Napabalikwas ako habang sapung-sapo ang mga dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa oras, 3:05 am. Inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko ang kabuuan ng kwarto kong punong-puno ng litrato ng mga iniidolo ko.

Panaginip lang pala...

Humiga akong muli at huminga ng malalim. Biglang nangilid ang mga luha sa mata ko. Unti-unti kong tinanggap na hindi ko na sila kailan man masisilayan. Wala akong magawa para makita sila sapagkat estudyante palamang ako at wala pang nararating. Mahal na mahal ko sya ngunit mahal nya rin ako bilang tagahanga nya. At muling tumulo ang luha ko. Unti-unti akong pumikit at binalot ng kaantukan. Pumikit ako ng tuluyan at nagbabakasaling muli ko syang makita kahit sa panaginip lamang.

☞︎︎︎𝗘𝗡𝗗☜︎︎︎

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now