Chapter 2

8 0 0
                                    

COMMUNITY SERVICE

Sa School.

Araw biyernes, kami ay kasalukuyang nasa klase ni borxa ng ipatawag kami ng aming coordinator na si gurang gurang ( well hahaha nagawa niyo naba yung bigyan ng mga palayaw mga titser nyu nung high school or college? Well kami nagawa na namin. Heto nga at isa dun si mrs. Alamento. Strikto yan kaya pinangalanan namin ni borxa ng gurang gurang. Hahaha)

Anu nanamang ginawa mo borxa? Ang tanong ko dito.

Hala!! bakla ka!! pag may kasalanan ako agad??? ang pagtutol naman nito.

Anu pa nga ba?? alangan namang ako eh. Sobrang bait ko? Ang sabi ko rito.

Mabait pag tulog. Halika na nga sa office ni gurang gurang nang matapos na ito. Ang pag anyaya ni borxa sakin..

Pagdating namin sa office ng nursing coordinator naming si Mrs. Alamento. Nadatnan naming nakaupo din doon si Stefano. Syempre yung ngiti ni baklang borxa umabot nanaman sa langit.. nandoon din si  Christoper, grabe at nginitan pa ako neto.. (assumera lang hahaha)  at apat pang mga taga ibang section well di sila importante kayat wag niyo nang tanungin kung sino sila.

Halla sinumbong ata tayo kasi di natin tinapos yung paglilinis natin? Ang tanong ko kay borxa na hanggang ngayon ay ngiting ngiti parin sa kilig.

OHH Mr. Biguas at Mr Lagmay. pagtawag ni gurang gurang samin. Kaloka sa ganda kong ito tinawag akong mister. My ghad mahabaging bathalang unicorn na may wings… na iisstress ako…

Hahahaha MISTER daw! Hali na kayo mga ginoo hahahaha!! well sino pa ba yun kung hindi ang ma-epal na crush din ng bayang si Stefano..

Oo!! rinig na rinig na beautiful ears ko ang mister at ginoo.. isa pang tawag mo ng ginoo yang ilong mo ililipat ko sa noo mo. Sumbat ko dito.. hahhaha di naka ganti din

Hayy tama na nga yan. mga batang ito. Pagsuway naman ni Mrs. Alamento.

Kaya ko kayo pinatawag sapagkat kayong walo ang magkakagrupo sa community service na affiliation niyo sa Pangasinan. Well I have contacted your clinical instructor and the school already arranged the place where you eight are going to stay. I want you all to pack your things and don’t forget to Bring your uniform. You will be gathering here on our school on Sunday at 10am para sa byahe niyo. Now thats all . you can now go back to your classes. Ang mahabang paliwanag ni madam gurang gurang. Hahaha

Habang pabalik na kami ni borxa ng klase.

Mga ginoo kita kits nalang sa Sunday,, hahahahaha ang tawa tawang sabi ni stefano.

Stefano.. tao ka ba?? tanong ko dito.

Oo naman ginoo?? sagot naman nito. Ahhh talaga ??? hindi kasi halata ehh sagot ko sakanya habang tawa parin ng tawa at paulit ulit sinasambit ang ginoo..

Aaaargggggghhhh,,, I hate you!!! madapa ka sana.. ang sigaw ko habang tumatakbo paalis si stefano kasama ni christopher.

Di ka man lang nagsalita jan?? tanong ko sa bespren kong nakangiti at nakatitig kay stefano habang nawwawala sa paningin namin.

Besh ang gwapo niya.. yan lang ang sagot niya.. ohh diba?? sarap isako…

Natapos ang araw na parang lutang lang tong bespren kong dragon hahaha at ako naman ay iniisip kung panu ko matatagalan ang isang linggong kasama ang abnoy na narcissistic na taong yun. Hay.. isang linggo lang naman Van.. isang linggo lang.. kaya mo yan.. ang tangi ko nalang sabi sa sarili ko,..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game Of LoveWhere stories live. Discover now