Chapter 2

179 8 15
                                    

'Napaka-bagal talaga kumilos ni Dasha, Kahit ang pagkuha ng pagkain parang pagong kung kumilos'. Inis na aniya ni Karyn sa sarili

"Josiah puntahan mo nga si Dasha baka sa sobrang bagal niyan ay abutin tayo dito ng katapusan ng buwan bago pa niya madala dito ang pagkain natin." utos niya sa kaibigan, dahil lalaki 'di na nitong nagawang pumalag. Alam niyang gutom na rin ito.

Nag-presenta pa kasi tapos ang bagal kumilos.

Inis niyang pinag-krus ang dalawang braso.

"Anong meron diyan sa cellphone mo kanina ka pa tutok na tutok diyan?" nilingon niya si Seren na noon ay abala at totok na totok sa cellphone.

"Shhh huwag kang magulo nag-iisip ako."

Todo silip pa siya, "Ano ba kasi iyan patingin nga!" inagaw niya ang cellphone ni Seren

Sus, ginoo! Akala ko naman kung ano.
Gusto niya tuloy matawa.Naglalaro lang pala ito ng Crossword. Akala niya kung ano na.

"Nagawa mo na ba ang assignment mo sa History at iyong report mo sa English? Baka naman inaabala mo ang sarili mo sa kakalaro diyan baka nakakalimutan mo din anong oras na?" napahinto ito saka tiningnan ang relo sa kamay.

"Oh shit! My god nakalimutan ko iyon assignment ko. My god, mabuti pinaalala mo." dali-dali itong tumayo sabay hinablot ang bag niya at kumaripas ng takbo. Hindi malaman saan ito pupunta.

Hindi na niya ito sinundan nang makitang palapit na si Dasha at Josiah dala ang pagkain nila.

"Nasaan na si Seren?" nagtatakang tanong ni Dasha habang nilalapag ang pagkain.

"Ayon umalis e kasi naman kung ano-anu inaatupag hindi pa pala niya nagawa ang assignment sa History. Alam mo naman may dragon tayong teacher." ang tinutukoy niya ay ang guro nila sa history na mas masungit pa sa mukha ng nanay niya.

"Eh paano itong pagkain niya?"

"Dalhin nalang natin iyan, for sure nasa room lang pumunta iyon or sa library, kumain na muna tayo pagkatapos puntahan nalang natin siya."

Nakaugalian na nila ang ganito, nasa second year na sila sa High School. Hindi naman nila pinagmamayabang na matatalino silang magkakaibigan at angat sa klase. Hindi naman sila nag-aagawan kung sino ang rank 1 or rank ganito ganiyan. Ang mahalaga lang sa kanila ay pareho silang may matataas na grade. Takot lang niyang bumagsak, baka sa kalye din ang bagsak niya kapag nagkataon.

Strict pa naman ang Daddy niya pagdating sa usapang grade. Ayaw rin naman niyang madisappoint ang parents niya. Mas angat nga lang si Seren sa kanilang apat. Gusto kasi nito maging proud sa kaniya ang parents niya lalo na ang Mommy niya na may sakit sa puso.

Nang matapos silang kumain ay sumunod na sila kay Seren, sinubukan nila siyang hanapin sa library kung nandoon ba siya.

"Wait, sino iyang kausap ni Seren?" pag-uusisa ni Dasha. Nang makita nilang may kausap ito.

"Huh? Sino ba iyan," sumilip na rin si Karyn para tingnan.

Hindi nila kilala ang lalaki, hindi rin familiar ang mukha niya. Medyo nakatagilid rin ito kaya nahihirapan silang kilalanin kung sino.Nag-usisa pa sila lalo kung anong pinag-usapan sa loob. Nagtutulakan pa sila dahil hindi nila halos marinig ang pinagusapan.

"Ano na naman trip niyo? Paano kayo naka-pasok dito siguro outsider kayo no?" ani Seren sa lalaking kausap.

"Miss, gwapo lang ako hindi pang outsider ang mukha ko. Makinig ka nga muna bago mag-react."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE'S A ROYAL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon