Ano Nga Ba Talaga Ang Pag-ibig ?! Kailan mo masasabing nagmamahal ka na nga? Eto ba ‘yung kahit sobra ka ng nasasaktan patuloy mo parin siyang minamahal? O ‘yung patuloy kang umaasa na pwede pang maibalik ang lahat sa dati kahit alam mong wala naman ng pag-asa pa. Eto ba ‘yung alam mo na sa sarili mo na wala na talaga pero pilit mong sinasabi sa isip at puso mo na pwede pa! Bakit Sa Pag-ibig ang daming pinipiling maging tanga ? maging martir ? hindi naman sila Masaya .. kung tutuusin mas nasasaktan pa nga sila diba ? Sana sa pag-ibig lahat patas,pantay..Sana walang nanloloko,walang nananakit ng damdamin, maging babae o lalaki ka man. Baket kapag sinabing babae tingin ng iba mahina,pero kapag lalake naman napakalakas,kaya ang lahat!kaya ba karamihan sa nagagawang manloko ay lalake? Bakit ganun?baket kailangang maghirap,magdusa,masaktan ng dahil sa pag-ibig? Diba sabi ng karamihan “sasaya ka sa pag-ibig” pero bakit ganun? Sana wala nalang nanakit ng damdamin ng iba.Edi sana hindi naimbento ang mga salitang “sana ako nalang”,”sana ako nalang siya”,”sana tayong dalawa nalang”,”sana ako nalang ulit” puro “sana” nagpapahiwatig na patuloy paring umaasa.. Sa Lahat ng taong nagmamahal sa taong martir ako lubos na humahanga, akalain mo yun? Kahit na alam niyang wala na talaga, kahit sobra na siyang nasasaktan patuloy parin talaga siyang nagmamahal ng taong hindi naman siya kayang mahalin,ng taong wala man lang siyang halaga kahit konti.. Pero kahit ganun tuloy pa rin talaga siya, maaaring tinatawag na siya ng iba na napakatanga niya! Pero kung ako ang tatanungin, hindi siya tanga, nagmamahal lang siya ng lubos.. tanggap niya na hindi maibabalik ng taong mahal niya ang pagmamahal na ibinibigay niya..hindi siya naghihintay na mahalin din siya nito, minamahal niya ito ng walang kapalit..Ok lang masaktan, basta ba maging Masaya lang siya eh? Tanga na ba kapag ganun? Minsan kahit alam nating trip lang pala tayo hindi naten siya magawang awayin,sigawan! Yung feeling na sobra na yung sama ng loob mo sa kanya dahil natripan ka lang pala niya pero hindi mo paren talaga magawang magalet.lalo na kapag nakikita mo siya, nawawala nalang bigla yung galit na nararamdaman mo.Kaya kahit mismong ikaw naguguluhan sa sarili mo, baket kaya ganun? Niloko ka niya, kaya dapat magalit ka! Awayin mo siya kung gusto mo! Ng makaganti ka man lang diba?Pero baket hindi mo magawa?Tanga nga lang ba talaga? Baket ? Dahil Mahal mo ? Kaya Kahit alam mo na niloko ka niya, nanahimik ka pa din, hindi mo pinaalam sa kanya na alam mo na pala .. Ano Ba dapat mong gawin? Sigurado ang ipapayo sa iyo ng mga kaibigan mo “magmove-on ka na !” “hindi na uso tanga ngayon!” Tama Lang naman na aminin mong mahal mo siya, ang mali ay ang umasa kang mahal ka rin niya.Lahat tayo magagawang magmove-on kung gugustuhin lang natin. Pero hindi naten makakaila na tanging amnesia lang ang makakabura ng lahat ng alaala. Ang paghingi ng sorry ay hindi pagpapakita na ikaw ang palaging mali.. Pagpapakita lang ito ng pagpapakumbaba mo at pinapakita mo lang sa mahal mo na importante ang relasyon niyo kaysa sa pride mo.. Never Give up! If you think you can fight for it, remember, its difficult to wait but its more difficult when you regret. Pero kung wala na talaga, baka oras na para gumising ka sa katotohanan at tanggapin na wala na talaga.. bakit ka magtitiis sa taong alam mong sinasaktan ka lang naman? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto na sira naman ang kandado.. Tandaan, NAGMAMAHAL TAYO .. PARA SUMAYA .. HiNDI PARA MAGLUKSA..
[ Written By : Jhuzel Lyza ]