Alas dos ng hapon, sa Don Fabian.
Lumabas ako ng computer shop. Apat na oras din akong nakatambay doon dahil sa SIS na forever loading. Umuulan, malakas. Hindi mo na maaninag yung dulo ng kalye at unti-unti na ring bumabaha. Nagdadalawang-isip akong umuwi. Butas kasi 'yung sapatos ko, siguradong papasukin ng tubig. Pero binuklat ko ang payong ko at naglakad kahit hindi pa tapos ang pag-iisip.
Marami akong nakakasalubong na estudyante. Sembreak na pero nandito pa rin sila. Papasok sana uli ako sa school pero ayoko na. Gusto ko nang umuwi.
Sinuksok ko ang earphones sa tenga ko. Pampawala ng boredom.
...You left me with goodbye and open arms. I cut so deep, I don't deserve. You were always invincible with my eyes. The only thing against us now is time. Could it be any harder? To say goodbye, and without you. Could it be any harder? To watch you go, and face what's true...
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Gusto kong mag-isip pero wala akong maisip. Gusto kong hindi mabakante pero...
Lumakas ang ulan. Basang-basa na ang sapatos ko, pati pantalon. Umakyat ako ng overpass para tumawid sa sakayan. Lalo akong nabasa. Ako lang mag-isa ang naglalakad sa tulay na 'yun. Naagaw ang atensyon ko ng mga dumadaan na sasakyan. Ang ganda ng mga ilaw nila sa ulan.
Pagbaba ko ng overpass, pumara agad ako ng jeep. Madalas malapit sa driver ako umuupo pero dahil basa ako, sa dulo, sa tabi ng pinto na ako naupo. Konti lang ang pasehero. Tahimik. Pinagmamasdan ko lang ang kalye habang bumabyahe.
... Sad eyes follow me. I still believe there's something left for you and me, for you and me, for you and me...
Habang tumatagal ang byahe, dumadami pasahero. Wapakels. Wala pa rin akong maisip.
Pagbaba ko ng jeep, ewan ko, sasakay dapat uli ako para makarating sa bahay pero bigla na lang akong naglakad. Walang laman ang isip, walang pakiramdam. Humahakbang nang hindi alam kung saan pupunta.
Wala ng ulan. Ayos.
... I tried my best to never let you in to see the truth. And I never opened up, I never truly loved... 'Til you, put your arms around me, and I believe that it's easier for you to let me go...
Kamote. Ang lungot. Ayoko ng ganito. Erase, erase.
Birthday nga pala niya ngayon. Kaya pala.