DESTINY (Ongoing Series)

85 1 0
                                    

DESTINY

writtten by Paidaros

PROLOGUE !!

Sa isang lugar sa maynila ay nakatira ang pamilya ni Rina, kasama niya ang kanyang Ama na si Mang Lito at ang kanyang Ina na si Aeng Sally ,kasama rin niya dito ang bunsong kapatid na si Ronald.

Maituturing na may kaya sa buhay ang pamilya ni Rina.Nasa kolehiyo na si Rina at kumukuha ng nursing at samantalang nasa elementary naman si Ronald.Nagtatrabaho naman ang kanyang Ama sa isang T.V Station bilang isang cameramen at isang sari-sari store owner ang kanyang Ina.

Buwan ng Mayo, bakasyon ng pamilyaat na isipan nila na dalawin ang kanilang kamag-anak sa probinsya ng Batangas.Halos tatlong linggo ang itatagal ng pamilaya doon.

***********

CHAPTER 1.Batangas. Umaga .Bahay ng kamag-anak nila Rina.

RINA : Wow ! ang sarap naman ng hangin dito.

ALENG SALLY : Oo nga anak, hindi tulad dun sa Maynila, kaamoy na nang hininga ng Papa mo ang hangin doon.

MANG LITO : Anong gusto mong palabasin aber ?! na mabaho ang hininga ko ? .. For Your Information anak sa mala- Coco Martin kong labi kaya ako napagnasaan ng Ina mo !!

RINA : ( Mapapatawa ) Ewan ko sa inyong dalawa ! .. ang corny nyo .. pero speaking of Coco - gusto ko ng buko Papa.

MANG LITO : Oh sige ! papasamahan kita kay Marco sa pinsan mo .. pero bago yun mag-bihis muna tayo at kumain, gutom na gutom na kasi ako eh !

RONALD : ( Maunang papasok ) Ako din Papa !? gutom na !

>Kumain na ang magkakamag-anak, masaya silang nagkukuwentuhan, kamustahan at biruan na may kasamang tawanan. Halos hindi na nila namalayan ang oras. Nang matapos kumain ang lahat at nakapagligpit ng kinainan, ay niyaya ni Marco si Rina na mamasyal sa kanilang lugar. Excited na sumama si Rina.

***********

CHAPTER 2.DAAN. TANGHALI.

RINA : Kuya Marco, saan tayo pupunta ?

MARCO : Papasyal kita doon sa mga kabarkada ko at ipapakilala kita.

RINA : Mababait ba sila, may gwapo ba kuya ?!

MARCO : Ahh ! oo naman ! , may mukhang artista.

RINA  : Talaga kuya ! sino naman artista ang hawig ?!

MARCO : Ah ! eh ! si Pacquiao lang naman !

RINA  : Puro ka naman biro eh !! ..... ( Mapapatingin sa hindi kalayuan ) Oy kuya may nakuha ng buko oh, tara  hingi tayo.

MARCO : Tara !, kilala ko yan , kabarkada ko din yan , si Jeff.

>Si Jeff ang matipunong lalaki sa probinsya nila Marco, laki sa hirap pero taglay ang mukhang inaambisyon ng mga kababaihan.Mabait din si Jeff at medyo kalog. Nasa college na rin siya tulad ni Rina at kumukuha ng kursong Engineering.

RINA : Jeff pala name nya, pero infairness kuya ang gwapo nya.

MARCO : Kalog nga lang ! may pagka corny pa !

JEFF : Oyyy ! pareng Marco ikaw pala.

MARCO : Ano marami-rami na ba yang nakuha mo ?

JEFF : Marami na rin. ( Bubulong kay Marco ) .. sino yang kasama mo ang ganda ah ! . syota mo ba ? akalain mo yun pwede pala umibig ang Anghel sa Unggoy.

( Magtatawanan ang dalawa )

MARCO : Sira ulo ka talaga ! pinsan ko nga pala si Rina. Rina si Jeff nga pala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINY (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon