S.O.C.O - Stalking On my Crush Operation :)

252 4 7
                                    

 Ang susunod na palabas ay rated SPG .. Patnubay ng magulang ay kailangan. 

Ooops... 

Ang babasahin pong ito ay di nagtataglay ng karumal dumal na krimen gaya ng sa S.O.C.O

:)

Lagi mong tinitignan ang wall ni crush? CHECK.

Lagi mong tinitignan ang mga picture niya? CHECK.

Pag may gf na si crush, pati wall ng gf niya, tinitignan mo. ? CHECK.

Madalas kang mainis sa babaeng crush ng crush mo at kinocompare mo ang sarili mo sa kanya? CHECK.

Inaabangan mong dumaan si Crush? CHECK.

Kinikilig ka matignan ka lang ni Crush? CHECK. 

Nagpapapansin ka minsan pag andyan si Crush? CHECK. 

Nagsasave ka ng picture ni Crush sa cp, sa computer tapos minsan pa nga ginagawa mong wallpaper? CHECK. 

Base sa mga katanungang yan at mga ebidensya na ikaw mismo ay umaaming ginagawa mo yan... 

Ikaw nga ay nagkasala... 

Isa ka ngang certified STALKER ni Crush.

^_^

STALKER ? sabi nila pag stalker ka daw ibig sabihin panget ka..

kasi ADMIRER daw ang tawag pag maganda o gwapo ka..

Wala naman yan sa tawag, Stalker ka man o Admirer .. iisa pa din naman ang ginagawa mo ..

ang sundan, tignan, titigan, at kung anu-ano pa ang taong gusto mo. :)

S.O.C.O - Stalking On my Crush Operation :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon