Chapter 7: Finally I met my STALKER.

48 4 0
                                    

Carla's POV

Habang dumadaan ang bawat araw natutuwa na din ako sa stalker ko na yun. Know why? Kasi kahit di ko siya nakikita pinaparamdam niya sa'kin na mahalaga ako sa kanya. Like one time na-surprise na lang ako dahil may mga estudyante sa school namin na isa-isang nagbigay sa'kin ng bulaklak. Noong una nagtataka ako kung kanino galing tapos nakita ko yung note dun sa may huling bulaklak na binigay from mr. "S".

Dati rati tinatamad ako magload kasi tinatamad ako magtext but now sipag na sipag ako kahit na mapudpod pa yung daliri ko sa kakareply sa text nung stalker ko. Ang saya niya kasing kausap at hindi siya boring. Dati natatakot ako sa kanya pero ngayon sanay na ko na bawat araw may text na galing sa kanya at dahil sa naiinip na kong makilala siya pinakiusapan ko siya na magkita na kami.

Eto yung text niya kagabi.

From: Mr. S

Pumasok ka ng maaga may makikita kang papel na may kasamang rosas. Mababasa mo dun yung instruction ko kung paano mo ako makikita.

Andito na nga ako sa classroom at mag isa lang ako. Medyo late lang ako ng 10 mins at buti na lang wala pang tao dito. Nakita ko yung papel na may kasamang rosas at binasa ko yung nakasulat dun sa papel.

Magkita tayo mamayang 5pm sa may Bridestone park. I'll be wearing a blue polo at magdadala ako ng iba't ibang kulay ng bulaklak para sa'yo. - "s"

Mamaya ko na siya makikilala. Naeexcite na ko kung sino siya. Tinago ko yung papel kasama ng bulaklak at lumabas muna ko ng room dahil wala pa namang gaanong tao. Nakita ko si Angelo na naglalakad patungo sa classroom.

"Uy Angelo, Goodmorning" masayang bati ko.

"Aba, mukhang maganda ang umaga mo baby ah" sagot ni Angelo.

"Hahaha syempre naman. Ang gara naman kung sisimulan ko ang umaga ko na BV ako".

"Kunsabagay. Kung ang mukha kong gwapo ang makikita mo sa umaga syempre gaganda talaga ang umaga mo" biro ni Angelo.

"Hahaha nakakatawa. Tss . Baka kamo makasira ka pa ng araw ng iba no"

"Grabe ka naman baby. Maiba tayo, bakit mukha kang masaya ngayong umaga? Dati kasi pag papasok ka parang pasan mo lagi ang mundo sa itsura mo" - Angelo

" Hmmm .. secret! Basta masaya ako ngayon. Period." sabay dila ko.

"Pssh, bahala ka nga. O siya pasok muna ako sa room. Huwag ka na gumala gala pa dyan baby baka ma-late ka pa" diretso ng naglakad si Angelo papasok ng room at sumunod naman ako.

Naupo na ko sa seat ko at nilabas yung isa kong aklat para makapagbasa habang hinihintay yung iba naming classmate at prof ko.

Pasulyap sulyap din ako kay Angelo na mukhang busy sa ginagawa niya. Hmm ngayon lang naging busy ang mokong na yan ah, ano kayang ginagawa niya? Tsk. Hayaan mo na nga siya.

"Hoy girl!" sigaw ni Steph sa'kin na di ko namalayang dumating na pala.

"Oh bakit? Makasigaw ka wagas!"

"Eh kasi naman kung makasaulyap ka din dyan wagas. Di mo nga napansin yung pagdating ko eh."

"Di ka kasi kapansin pansin. Hahahaha" sabay tawa ko na ikinanguso naman ni Steph.

"Ganyanan na tayo bes? Sama mo."

"Haha di naman masyado"

"Oh nga pala bes. Di ba sabi mo makikilala mo na yang stalker mo?" tanong ni Steph at inilapit yung bangko niya sa'kin para marinig niya yung sasabihin ko.

"Ay oo nga pala bes ! Mamaya ko na siya makikilala! Haha I'm so excited"

"Sigurado ka na ba dyan? Mamaya kung sino pala yan. Mamaya sindikato lang pala yan no bigla ka na lang isako tapos papaluin ka , itotorture ka tapos itatapon ka sa ilog o kaya ichopchop ka muna bes" pananakot ni Steph.

S.O.C.O - Stalking On my Crush Operation :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon