His DIARY (Part I)

27 1 0
                                    

Kaye's POV

"Kaye! Gising naaaaaa!" sigaw ni Mandy.

"Ano ba! Inaantok pa ako!" sigaw ko din sa kanya.

Kanina niya pa ako ginigising at kanina pa din ako nagmamatigas na huwag muna bumangon. Puyat na puyat kasi ako.

"Ano ka ba naman! Alas-syete---" pinutol ko yung sasabihin niya.

"ANO?! Alas-syete na?! Bakit hindi mo man lang ako ginising? Pambihira naman---" pinutol niya rin ako sa sasabihin ko.

"Anong hindi ginising? Eh kanina pa nga kita ginigising, ikaw lang 'tong nagmamatigas na ayaw bumangon! Hala, bumangon ka na dyan" tunulak niya ako kaya nahulog ako sa kama. Tumayo agad ako. Ang sakit nun.. ToT

"Oo na! Kailangan itulak?" pagkasabi ko nun, pumasok na agad ako sa banyo.

Mandy is my twin sister. Yeah, sadly, we have all the same features. Height, hair, face except for vital stats. Hindi ko na sasabihin sa inyo kung ano ang vital statistics naming dalawa. Basta, mas sexy ako sa kanya. Oh well, parehas kaming sexy pero sabi ko nga, MAS sexy ako sa kanya.

After 10 minutes, tapos na akong maligo at magbihis. Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Pagbaba ko, nakita ko si Mandy na kumakain. Ang takaw talaga.. Kaya mas sexy ako eh. Hoho ^o^

"Kain na" aya sa akin ni Mandy.

After 5 minutes, natapos na akong kumain. Sumakay na ako ng kotse at hinintay si Mandy. Siya kasi ang magda-drive. Narunong naman ako pero, siya ang naka-assign ngayong week.

Ilang sandali lang, dumating na si Mandy at pinaandar agad ang kotse. Malapit lang naman sa amin yung school. Pero late na kasi kami kaya nagkotse na lang kami.

7:45 a.m na kami nakarating sa school. Pagka-park ni Mandy ng kotse, lumabas agad kami.

Magkaiba kami ng course. Accounting yung course ko while si Mandy naman ay Mass Comm.

Naghiwalay na kami ni Mandy sa may hall. Good thing, sa second floor lang ng Accounting Department/Building ang room namin. Pagdating ko, wala pa namang teacher dahil nagkakagulo pa ang mga classmate ko.

Umupo agad ako sa upuan ko sa may bandang likod. Hindi na naman pumasok ang mga "crazy friends" ko. Tinatamad siguro.

"Hey, hey miss muse of our section" sabi ng isang lalaking pinaka kinaiinisan ko sa lahat ng taong nakilala ko sa buong buhay ko. (how i wish hindi ko na lang siya nakilala)

"Ano na naman ha? Mister escort of our section. Hindi naman kagwapuhan..." hininaan ko yung last sentence para hindi niya marinig.

"Anong sabi mo?" Medyo asar na sabi niya. Pikon talaga.

"Ha? Sabi ko.. ang pogi mo! In your dreams man" hininaan ko ulit yung boses ko pagkasabi ko nung "in your dreams man"

"Aba't---" naputol yung sasabihin niya nang may tumawag sa kanya galing sa pintuan.

"Mr. Castro!" si Ma'am Leya pala. Terror yan. Kaya nga takot akong malate kasi siya yung first subject teacher namin.

"Oh! Hi M-ma'am L-leya" bati ni Casper kay ma'am Leya.

"Why are you shouting at Miss Garcia?" mataray na tanong ni Ma'am. Ang kaninang maingay na classroom namin ay tumahimik.

"Ahh.. M-ma'am.. Uh---" napahinto siya sa pagsasalita niya nang sumingit ako. God. I'm bored -____-"

"Ma'am?" I raised my hand. "Casper shouted at me because he's sharing to me his feelings about the girl that dumped him the last time. He told me that it really hurts that's why I told him to shout out what he is feeling right now" pagsisinungaling ko kay Ma'am. Halatang gulat yung expression ni Casper at yung mga classmate naman namin ay nagpipigil ng tawa. How would they believe it? Casper's handsome. He's damn hot but masyado nang puno ng hangin ang katawan niya. Mayabang? Sort of.

His DIARY (Short Story)Where stories live. Discover now