His DIARY (Part II)

18 2 0
                                    

Kaye's POV

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa diary ni Casper. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng mga pwedeng mangyari kapag nalaman niyang nagkapalit kami.

Nakakainis naman kasi eh! Alam ko naman na pwede kaming magkapalit ng bag pero pinayagan ko pa rin si Ma'am na iutos sa kaklase ko!

Tumingin ako sa kisame. "Anong gagawin koooooooo?" sigaw ko.

Tumingin ulit ako sa diary nang may bigla akong naalala.

"Hindeeeeeeeeeeeeeeee!" sigaw ko. Nababaliw na ako.

Naalala ko kasing kinuha ko sa locker yung diary ko at inilagay iyon sa bag ko. Wala pa namang lock yun! Paano kung basahin niya yun at--- teka?!

Patay na talaga akooooooooo! Paano ba naman kasi, nakasulat sa diary ko kung.. kung... kung kailan ako nagkagusto sa kanya at kung gaano ako nabaliw sa kanya DATI. Yeah right, dati!

Isip ako ng isip at nababaliw na talaga ako sa kakaisip ng kung anong pwedeng mangyari kapag nabasa niya yung diary ko :(

*ting*

Alam ko na! Babasahin ko din yung diary niya! Para quits diba? Kasi sigurado akong babasahin niya yung akin! Bwahahahaha ^0^ I'm so brilliaaaaaant XD

Binuklat ko yung diary niya at humingi ng malamin bago basahin yung unang entry niya.

********************

Entry no. 1

Dear diary?

Nakakainis! Bakit ba kailangan ko pang magsulat sa notebook na 'to? Nakakabakla lang >_<

Pero okay lang, hindi naman nila makikita eh. Hayst.

So, kaya nga ako nagsulat dahil sa isang babaeng nakilala--- wait? No! Nakita pala. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya eh.

So yun nga, may nakita akong babaeng maputi na chinita. Basta, ang ganda niya. Sobra!

Sana makuha ko na ang pangalan niya bukas! Yun lang muna.

Caspogi

********************

Grabe ah! Pati sa diary niya may nakasulat na kayabangan. Well, pogi naman talaga siya. Anw., sino kaya yung babaeng tinutukoy niya?

Maputi at chinita? Hindi kaya ako?

"Wag ka masyadong assuming Kaye!" sabi ni walanhiyang utak ko.

Hay nako! Makapagbasa na nga lang ulit.

********************

Entry no. 2

Dear Diary,

Yes! Alam ko na ang pangalan niya. Kaye Garcia. Ang ganda diba? Bagay na bagay sa kanya yung pangalan niya!

Narinig ko kasing tinawag siya nung isang classmate niya. Hindi ako sigurado kung magkapatid ba sila kasi magkamukha sila eh.

Ang saya-saya ko diary! Sana maging close kami. Yun lang naman :)

Caspogi

********************

Ako? OMG! Ako nga!!!!! Sabi na eh. May gusto rin sa akin yung asungot na iyon. Bwahahahhaha!

So ayun, nagbasa lang ako ng nagbasa. Puro tungkol sa akin lang naman yung nakasulat dito. Kung paano niya nalaman yung birthday ko, favorite color, etc.

Nakasulat din dito kung gaano siya naging masaya noong naging magkaklase kami.

Hindi ko akalain na magkakagusto siya sa akin. Pero bakit kaya hindi niya inamin?

Pagkatapos kong basahin yung diary niya, nakatulog na ako.

~~~~

Nagising ako ng mga 7:00 ng gabi. Tinignan ko yung cellphone ko. Baka kasi may nagtext.

Meron nga, galing kay ate. Oo, ate kasi mas matanda siya ng ilang minuto sa akin.

From: Sis Mandy

Sis, gagabihin ako ng uwi. May group project kasi kami at kailangan nang ipasa bukas. Ikaw na lang magluto ng pagkain mo dyan. Thanks! Love you :*

---End---

Ang sweet talag ni Ate! Hahaha XD

Hindi ko na siya nireplayan dahil wala naman akong load.

Tumayo na ako at nagpunta sa kusina upang magluto ng pwedeng makakain.

Pagkatapos kong magluto, kumain na ako. Pagkatapos ko namang kumain, gagawin ko na yung---

Paano ko gagawin yung homework ko eh nagkapalit pala kami ni Casper ng bag!

Bukas na nga lang!

~~~~

Pagpasok ko sa gate ng school, ang daming nagkukumpulang babae at lalaki. Ano kayang meron?

"Sis! Tara, tignan natin" sabi ni Mandy at hinila ako sa mga nagkukumpulang estudyante.

Ilang sandali lang, biglang may nagsalita sa mic.

"Miss Kaye Garcia?" tawag sa akin nung lalaking nasa unahan. Alam ko, siya yun. Pero.. bakit?

Tumingin sa akin lahat ng estudyante. Binigyan nila ako ng daan papunta sa unahan.

Paglapit ko, hindi ng ako nagkamali. Si Casper yun.

"Hi Miss Garcia" nakangiting bati niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita at hindi rin ako makagalaw sa kintatayuan ko.

"Siguro oras na para umamin ako. Kahapon, nung nagkapalit tayo ng bag, sobrang kinabahan ako. Nakakahiya mang sabihin pero, nandun kasi yung diary ko" sabi niya at nagtawanan ang mga estudyante.

"Naisip ko na, ang tagal-tagal na pala mula noong nakilala kita pero, hindi ko pa rin naaamin itong nararamdaman ko para sa iyo" nakangiti pa rin siya pero bakas sa mukha niya ang kaba.

"Kaye, gusto--- hindi, mahal na pala kita. Sa pang-aasar ko sa iyo araw-araw, dun ko itinatago lahat ng damdamin ko para sa iyo. Mahirap pero, nakayanan ko naman.

"Kaye... Will.. will.. Agh!" napasigaw siya. Nagtawanan naman ang mga tao.

Nung naka-recover na ako sa pagkagulat, nilapitan ko siya at inagaw sa kanya ang mic.

"Oo Casper. I can be your girl, forever" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata nito.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"I love you, Kaye" bulong niya.

"I love you too, Caspogi" nakangiting sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng hilain niya ako palayo sa mga schoolmates namin sobrang ingay.

It all started with his diary.

~~~~

a/n: Helloooooo :') Sana nagustuhan niyo siya! Hoho ^o^ Salamat sa mga nagbasa at sa hidi nagbasa. Salamat po sa mga nagvote! Sana nga makakuha siya ng maraming votes! Hahaha XD Iloveyou all guys ;)

His DIARY (Short Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora