Chapter 2 - First Encounter

2 1 0
                                    

Time goes by. Ganun lang din yung nangyayari. Si Mommy and Daddy, umalis noong Saturday early morning. As the usual, mamaya sila darating. Kahit pagod sila sa business matters, they always manage to go home even if it's late already. More often kasi umuuwi sila at 12 midnight. Maaga na yung 11 pm.

Sunday na nga pala and kakatapos ko lang magsimba. I'm on my way home using my car. I turned my radio on to listen some songs. Sakto naman na pagkasindi ko nito, nasa chorus na ng Everything Has Changed ni Taylor Swift.

Taylor Swift. Isa siya sa mga hinahangaan kong tao. Ang galing nyang gumawa ng kanta. No wonder, sumikat talaga siya ng sobra. Yung mga songs kasi niya, galing talaga sa puso nya. Kumbaga, own expirience. And that Everything Has Changed is one of my favorite. Hindi naman sa realate ako. For me, na kahit walang experience, napi-feel ko yung lyrics nung song. Ewan ko lang.

Sinabayan ko lang yung kanta...

"All I know since yesterday is...

Everything has changed"

Hindi ko namalayan, nasa gate na pala ako ng bahay namin.

Bumusina ako ng bahagya at lumabas si Yaya Linda para pagbuksan ako.

Bumaba ako ng kotse, "Oh hija. Kumain ka na ba? Tara na sa loob at naghanda na ako ng pananghalian." aya nya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, "Mano po Ya," kinuha ko yung kamay nya para magmano, "Sige po. Gutom narin po ako.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Wala kaming mga katulong. Ayaw kasi iyon ni Mommy. Kung itatanong nyo si Yaya Linda, kasambahay ang tawag sa kanya ni Mommy. Wierd no? Haha. Hindi kasi nya kaya magisa yung mga gawaing bahay kaya naghanap sya ng kasambahay. Meron din pala kaming isang driver. Si Manong Eddie. Siya yung naghahatid sakin at nagsusundo kapag tinatamad akong magdrive. Matagal narin namin silang katiwala. Honestly, almost 20 years na.

Inihanda na ni Yaya Linda yung pagkain ko.

"Sophia, kumain kana anak." She smiled.

"Ya, sabay na po kayo. Ay, pakitawa na rin po si Manong Eddie para sabay sabay na tayo. Hindi naman po kayo iba sa akin."

Sakto namang parating si Manong Ed, "Naku. Ikaw talagang bata ka. Napakabait mo. Kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pang lalaking pumupunta dito sa bahay para manligaw sayo." biro niya.

Natawa naman ako. Si Manong talaga. Palagi nalang niya iyon sinasabi sa akin. Lumapit ako sa kanya para mag mano.

"Ikaw talaga manong. Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa inyo?" tumawa ako, "Wala ho talaga. Hindi pa ho ako handa sa mga ganyang bagay."

"Wala nga ba?" pahabol pa nya atsaka tumawa.

"Ayan nanaman kayo sa kulitan ninyo." tumawa si Yaya. "Sandali lang muna at kukuha ako ng plato at ng makakain na tayo."

We - Manong - both laughed. Nagkwentuhan lang kami. Ganyan talaga kapag wala sila Mommy. Sila ang nagsisilbing mga magulang ko. Pero wala parin papantay sa pagmanahal ng tunay na magulang ko. Kumbaga 80% lang sila. Hala! I compare daw ba? Haha.

Pagkatapos namin kumaen, nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa kwarto ko.

Naku! Wala pa pala akong gamit sa school! Crap. Paano ko nakalimutan yon?

Si Sab!

For sure wala pang gamit yon. Nakakainis.

I grabbed my phone then dialled her number.

*Ring ring ring ri-*

(Hey sis! What's with the call?) Panimula niya.

"Sis. Wala pa tayong gamit sa school."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell Inlove With Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon