Prologue

18 5 9
                                    


 Iba't- iba ang depenisyon ng salitang pag-ibig, may nagsasabing ang salitang ito ay makapangyarihan, maaaring hamakin ang lahat o sino masunod lamang. Gagawin ang lahat para sa salitang ito. Kahit mahirap kakayanin para sa taong mahal maging kaibigan, pamilya, Tagapagligtas o sintang irog man, yung kaya kang ipaglaban hanggang sa katapusan ng sanlibuutan. Kayang tiisin ang anumang hirap upang makamtan ito lalo na't naniniwala sila sa salitang pag-asa. Love is selfish sometimes because you want to be loved too.


May mga nagsasabi namang ang kahulugan ng pag-ibig ay kaya kang palayain. Kung hindi kayo ang itinadhana para sa isa't-isa edi hindi. Kaya mo siyang palayain kahit masakit para sa iyo. Kung san siya masaya, masaya ka na rin para sa kanya. Kung ano ang makakabuti sa kanya, ikakabuti mo rin. Tatanggapin mo ang katotohanang kayo ay pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pinagtagpo kayo upang turuan lang ang isa't-isa upang mas maging matibay sa buhay. Love is hurtful sometimes because you can let go even it will hurt you.


May mga naniniwala naman na paghihiwalayin kayo at pagtatagpuin sa tamang panahon. Oras ang kalaban kasabay ng lungkot at pangamba kung kayo ba ay muli pang magtatagpo at kung para sa isa't-isa. Walang kasiguraduhin, ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo. Love is willing to wait for the right time, but you do not know when right time will come.


Iba-iba man ang tingin natin sa kahulugan ng pag-ibig isa lang ang sigurado bawat taong may damdamin at puso ay mararamdaman at makakaramdam nito. Maaring matapang ka dahil wala kang kinakatakutan ngunit sigurading mararamdaman mo ito. Makakaramdam ka ng damdamin para sa iba.



Ang salitang pag-ibig ay salitang napakahirap bigyan ng kahulugan, depende sa karanasan ng bawat isa. At dahil iba-iba ang nararansan ng bawat may damdamin. Iba-iba rin ang kwento ng kanilang pag-ibig. Iba- iba ang kahulugan ng pagharap nila sa salitang pag-ibig. Iba-iba ang dahilan nila para umibig, lumaya at mabuhay.



Ngunit kahit ano pa man ang kahulugan ng pag-ibig magiging makulay lang ito depende sa kung paano mo ito haharapin, paano mo ito pipigilan, paano mo ito ipaglalaban, paano mo ito yayakapin at paano mo ito isasama sa iyong buhay.



Ang pag-ibig ay walang pinipiling lugar, tao o edad. Pag-ibig ang magbibigay ng kahulugan sa pamumuhay ng bawat tao. Maniwala ka darating din ang nais mong pag ibig , wag kang panghinaan ng loob. Dahil lahat ng bagay ay may tamang panahon!

PALAGAY KO MAHAL MO KO..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon