(A/N: Nakakatuwa naman. May nagbabasa ng story ko. Kahit paunti-unti lang. Maraming salamat po.)
*Akikoh's POV*
= Haaaay! Pauwe na ako sa bahay ngayon. Aayusin ko na yung gamit ko. Kahit ayaw kong umalis sa bahay at iwan sila Mama. Kailangan kong tanggapin. Kailangan kong makatapos sa pag-aaral para makatulong kay Mama. =Ako: Haaaaaayyy!
Mama: Oh! Akikoh , andyan ka na pala. Naayos na namin ang mga gamit mo. Pumasok ka na doon at magmiryenda na.
=Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit parang okie lang kay Mama na aalis ako.=
Ako:Opo.
=Pumasok na ako sa loob. Pero di ako kumain ng miryenda kahit favorite ko pa yun. Pagpasok ko sa kwarto ko. Nakaayos na lahat. Naiiyak ako. Bakit? Okie lang ba kay Mama na umalis ako dito? TT___TT=
Tok! Tok! Tok!
Mama: Anak! Pwede bang pumasok?
Ako: (Pinunasan ko yung luha ko.) Sige po!
=Pumasok si Mama.=
Mama: Okie ka lang ba?
Ako:Opo naman po. Bakit naman po hindi? ( Ngumiti ako ng pilit.)
Mama: Anak, pasensya ka na hah. Nagdesisyon si Mama ng magisa. Para naman sayo yung ginawa ko ee.
Ako: Alam ko naman po yun. Alam ko pong di kayo gagawa ng disisyon na makakasama sa akin.
Mama: Mabuti naman. Magiingat ka don hah. Kumain ka ng tama. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Balita ko , puro mayayaman makakasama mo doon.
Ako: oo nga po ee. Pero okie lang po. Mababait naman po sila. Teka Mama , di ka ba magagalit kasi napa-office ako?
=Nag-iba ang tingin sa akin ni Mama. Hala sana pala di ko na pina-alala. (>.<)=
Mama: OO NGA NOH! Muntik ko ng makalimutan yun hah. Wag muna uulitin iyon. Baka sa susunod di lang guidance ang mapuntahan mo. Mag-iingat ka.
Ako: Opo. Promise , magiingat ako. (Sabay yakap ko kay Mama.)
Tok! Tok! Tok!
Mark: Mama! May mga tao sa labas hinahanap si Ate.
Mama: Sige baba na kame. Halika na.
Akikoh: Ma .... Mamimiss ko kayo.
Mama: Ako din naman anak.
=Niyakap kaame ni Mama , saka bumaba. May nakita kameng Dalawang Babae na naksuit.=
Girl o1: Magandang Hapon po. Kame po ang pinadala ni Mrs. Chen para sunduin si Ms. Akikoh Madrigal.
Mama: May topak ba ang Dean nyo at parang ang sosyal naman ng parusa nyo. (Bulong ni Mama sa akin.)
=Siniko ko si Mama at ngumiti dun sa dalawa. Inabot nila ang Bag ko na may lamang mga damit ko At lumabas. Sumunod kami at nakakita namin ang isang itim na Ford. Grabe ang lakas nga ng topak ng Dean. Mantakin mong ipasundo ako sa isang Ford. SOSYAL> Promise! Ngayon lang ako makakasakay sa kotse. ^Q^ =
Girl o2: Kailangan na po nating umalis Ms. Akikoh.
Ako: Sige po. Bye Mama. Bibisita na lang po ako dito. Mag-iingat kayo hah. Wag ka pong magpapagod hah. Love you Mama.
=Yumakap ako kay MAma. Saka sumakay na ako sa kotse at nagpaalam na kay mama. Haaaaaaay! Mamimiss ko sila Mama.=
**Mio's POV**
=Kanina pa ako andito sa Bahay na titirahan namin. Apat pa lang kame dito. YUng TOmboy , si SIyah , Jirro , At ako. Wala pa yung Commoner At si mayabang na Babae.=
Commoner: Magandang Hapon po. Pasensya na po late ako.
Ako: Tsk! IKuha mo nga ako ng inumin sa kusina. Buti nalang at isinama ka may katulong kame. Di kame mahihirapan sa gawaing bahay. Don't worry babayaran ka na lang namin.
Booooogsh! (May tumama sa ulo ko.)
Ako: Araaaaay! Sino yun??
Voice: Ayan juice. Baka kulang pa yan hah.
Ako: Ikaw na naman. Sumusobra ka na talaga.
=Susugudin ko sana sya kaso , humarang yung mga lalaki na sumundo sa akin sa bahay.=
Airee: Tsk! Hayan nyo sya. Kulang pa ata yun bali nya ee.
Ako: Sumosobra ka na. (Sigaw ko.)
Girl o1: Magsitigil kayo. Hindi na kayo nahiya.
=Napatigil ako sa pagwawala ng pumasok ang dalawang babae na nakasuit. Ang cute naman ng dalawang ito. =
Girl o2: Kami ang pinadala ni Mrs. Chen upang sabihin ang Rule na kailangan nyong sundin habang nakatira kayo sa Bahay na ito.
Siyah: What? Bakit may rule?? Ano ito parang detension?
Girl o1: Hindi po. Makinig lang po kayo At para makapagpahinga na kayo.
= Bakit may rule pa? Kainis..... =
* Jirro's POV*
=Ayos ang ganda ng Kwarto ko. Mukahang di parusa ang ginawa namin. Kahit na may mga "Rule" na kailangan naming sundin. Kanina may dumating na dalawang babae na nakasuit. Pinadala daw sila ni Mrs. Chen upang sabihin ang mga rule na kailangan namin sundin habang nakatira kame sa bahay na ito.Sinabi nila kung anu yun mga rule. =
"Rule"
o1. Bawal magpapasok ng ibang tao sa loob ng bahay maliban sa aming anim.
o2. Kailangan hati-hati kame sa gawaing trabaho. Dahil di kame iiwanan ng katulong na maglilinis ng buong bahay.
=Kung iisipin. Ang laki ng bahay , hindi ito kayang linisin ng isang tao lamang sa loob ng isang araw. So need namin maghati-hati ng gawaing bahay. Si Airee na daw ang gagawa ng listahan ng gagawain namin. Para pair sa both side.=
o3. Ipapadala sa amin ang allowance namin. Kailangan namin pagkasyahi kung magkano man yung ibibigay na allowance.
=Kung tutuusin kaya ko yun. Ewan ko lang sa iba.=
o4. Hindi pwedeng lumagpas kami sa "Curfew".
=At alam nyo ba kung anu ang parusa kung di namin magagawa iyon? Mababawasan kami ng 50% sa Allowance namin. Kahit isa lang hindisumunod. Tsk! Lahat damay sa parusa.=
Ako: Bwisit kasing Babaeng iyon. Kung di dahil sa kanya , di sana ako madadamay sa kalokohan ng Dean na yun.
Tol! Tok! Tok!
Ako: Sino yan?
=Hindi sya sumagot. Tsk! pustahan tayo siya yan. Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa pintuan at binuksan ito. Pagbukas ko.....=
Ako: Hah???
=Wala naman tao sa labas ng room ko.=
Ako: Weird! May multo kaya sa bahay na ito?
=Isasara ko na sana yung pinto ng mapansin ko ang isang box ng cookies sa sahig sa tapat ng room ko. Teka? Bakit parang decribe na describe ko lahat ng nangyayari sa akin. Kinuha ko yung box. Nakakita din ako ng sulat.=
Dear mr. Sungit
Pasensya ka na hah. Dahil sa akin nadamay ka pa. Sorry talaga. Sorry kung ito lang ang kaya kong gawing Peace offering sayo. Sorry talaga. (^.^)V
fr. Akikoh'cute :)
Ako: Tsk! Mr. Sungit pala hah.
Booogsh! (Isinara ko yung pinto ng malakas.)
=Bakit Cookies pa? At talagang katulad ng binibigay nya sa akin. Tsk!=
****End of Chapter o5****
