Kabanata 4: Pagasa

7 1 0
                                    

Ashtin's P.O.V

Bigla nalang ako nagising sa isang puti na kwarto. Nasaan na kaya ako? Baka nasa langit na ko. Juice colored, ayaw ko pa mamatay madami pa kong-

Naudlot ng sinasabi ko sa aking isip nang tinawag ako ni Eian.

"Kamusta pakiramdam mo?" Saad nito sakin habang hawak hawak ang kamay ko.

Nakakagulat naman 'to. Wait? Nakahawak sya sa kamay ko? Omg! Ay, kalma dapat.

"N-nandyan ka pala. Bakit ako nandito?" Tanong ko dito at saka na nya tinanggal pagkakahawak nito sa aking kamay.

"Dinala kita dito, niligtas kita." Bigla akong nagtaka sa sinabi nito sa akin. At sinimulan na nyang magkwento.

- FLASBACK -

Eian's P.O.V

Agad agad kong sinipa ang pintuan at sinalubong ng suntok si Jayden.

"You're really messing up with me, Assh*le?!" At sinuntok ko na naman ito sa bagang at tyan.

Pagkatapos ko syang suntukin at patumbahin sa sahig ay agad kong tinanggal sa pagkakatali si Ash.

Tumawag na din ako ng ambulansya at pulis upang ma-rescue si Ash at mahuli si Jayden. Ilang minuto lang ang lumipas ay kumaripas na ng takbo si Jayden paalis ng warehouse.

Kinuha na ng rescue team si Ash at sumunod na din ako.

- END OF FLASHBACK -

"Thank you, ha. Akala ko kanina mamatay na ko sa ginawa ni Jayden sakin." Saad ko sabay ang tingin ng deretso sa kanyang mga mata.

"Nako, wala yun. Basta para sayo." Sagot nito sakin at ngumiti.

Shocks. Bawal ako kiligin, concern lang yan as a friend. Grrrr. Kalma, Ashtin.

Inabutan nya ko ng sliced apples and oranges.

"Oh, kumain kana muna para magkalakas ka. Uuwi na muna ako, papunta na din naman na dito yung kaibigan mo." Sabi nito sabay ang paglapag ng fruits sa table at inayos nya na din yung headrest ng kama.

Bukas na nga ang pintuan at niluwa nito si Juwi.

"Mauna na ko, Ash. Alagaan mo yan, Juwi. Baka bukas na ko makabalik." Saad nito at lumapit sakin sabay halik sa noo ko. At umalis na.

Ikinagulat ko ang paghalik nya sa noo ko at napatulala ako ng saglit.

"Haba naman ng hair mo, Ash." Asar ni Juwi sakin.

"Tigilan mo nga ko, kumain ka nalang ng apple dyan." Sagot ko dito at nilagyan ng apple bibig nya.

Bakit kaya ang weirdo ni Eian? Nagpapakita ba sya ng motibo o sadyang assumerang palaka lang ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving a WerewolfWhere stories live. Discover now