Chapter 1

1 0 0
                                    

"Goodmorning sainyo, it's Monica Lilian Valdez. 16. Sana makasundo ko kayong lahat."

pag papakilala ko sa bagong section na pinasukan ko, ito na yung bago kong papasukan. ayoko pa sanang pumasok kaso natatakot ako na mahuli sa mga lesson, dalawang linggo na kami dito sa Paracale. Sobrang probinsya talaga ang peg dito, hindi naman ganun kalalayo ang mga bahay sa isat isa, wala nga lang masyadong sasakyan. Wala din akong makitang matataas na building maliban sa Hotel De Paliza, isang hotel para sa mga turista. Ang lapit din namin sa dagat, lalakad lang ng kaunti dagat na. Puro bundok din, nakapaikot sa lugar ang mga nag tataasang bundok na akala mo eh prinoprotektahan yung lugar.

mabilis ang takbo ng araw, ilang buwan na lang at Senior High School na ko, dito pa rin naman ako mag aaral pero pinipilit ko na pauwiin na ko sa lpc, gusto ko dun mag tapos..

"Babe, pag tapos naman ng Senior High, dyan na ko ulit eh. Promise." naiiyak na sabi ko habang ka Video Call si Ruden.

"Umuwi ka na ian, ang hirap kasi.. nahihirapan na ko.. baka dumating pa sa punto na mag kalabuan tayo nyan eh." sagot lamang nito.

"Pero babe, diba napag usapan na natin to'? babalik naman ako. Kailangan nila mama to' nahihirapan na kami dyan alam mo yan. A-Atsaka ayaw mo ba ng mag kalayo naman tayo? para ma test yung tiwala at katatagan natin babe." naiyak na talaga na sabi ko.

"Ian, umuwi ka na please.." hirap na sabi nito. "Tatlong buwan ka palang nawawala sa tabi ko, nababaliw na ko."

"Uuwi ako pangako.." pag tatapos ko sa videocall.

Habang tumatagal, mas na kokomportable ako sa lugar. Malayo kasi sa stress, lalo na sa maduming hangin. Payapa at tahimik ito. Nag karoon na din ako ng bagong kaibigan, yung mga kaklase ko. Pero wala pa ring papantay sa mga kaibigan ko na naiwan sa lpc, sila ang kanlungan ko.

Isang buwan na rin pala nung huling mag vc kami ni ruden, maiksi at sakto lang ang mga reply nya sa chat ko. Di naman pumapasok sa isip ko na, lolokohin nya ko. Marami kaming pinag samahan, halos lahat alam na nya sakin, ganun din ako sa kanya. Legal din kami both side, tsaka malaki ang tiwala ko kay ruden. Hindi nya yun gagawin.

Baka busy lang sa school..

"Lilian maniwala ka nga samin!" rinig kong sigaw ni ayu sa phone, katawagan ko kasi sila ngayon.

"Tumigil ka, di ako natutuwa sayo ha." nag babantang sagot ko.

Nakarinig naman ako ng hangin na tunog sa phone, siguro binigay sa iba yung phone.

"boba, niloloko ka na ayaw mo pa maniwala! tanga!" sigaw naman ni RenCai ngayon?

"pinag sasabi nyo ba dyan? parang gago."

"Lilian, niloloko ka na ni Ruden. Nakita ko kagabi sa may All day may kasama habang nakain!" -Rencai

"m-malay mo kumakain lang!"

"MAY KUMAKAIN BANG NAKA KANDONG HA? ANO YAN SANGGOL?! BAT BA KASI AYAW MONG MANI-----" Rencai

"Yan ka nanaman eh! sisiraan mo nanaman yung tao sakin, palagi kang ganyan sakin. Ayaw mo ba kong sumaya?? bat ba di mo na lang tanggapin yung tao eh sa dun nga ako masaya! tsaka pwede ba napaka impossible nyang sumbong mo! Di nya yun gagawin okay??" Sigaw ko pabalik. "malaki tiwala ko sa kanya rencai.." pahabol ko na sabi dito.

"pag patuloy mo yang pagiging bobo mo." pag tapos nya sabihin yun na putol na ang linya.

Kina gabihan chinat ko si Ruden sa Messenger.

babe?=
nakauwi ka na ba?
can we talk??
oyoy babe!

=ano yun? oo nakauwi na.

EphemeralWhere stories live. Discover now