6 : My Miss Loner (Part Two)

11 1 0
                                    

Andrew👆

ANDREW POV

Malakas na ibinagsak ni Miss Lachica yung Card ko sa harap ko

Nasa Prinsipal's Office ni Ma'am Lachica ako ngayon. And here, sinesermunan ako

"Mr. Mike Andrew Delo Santos! Alam mo ba kung anong ginawa mo?!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Maam lachica

"Ahm. Wala po" Malakas na kalabog sa mesa ang narinig ko kaya halos tumakbo na ako sa bintana. Grabe! Masyadong demonya ang prinsipal namin!

"Wala?! Pang ilang babaeng pinaiyak mo na yan si Miss Eva Cariño? Ilang Parents na ang nagpunta dito para magreklamo dahil sa pagiging playboy mo! Kung sana ay pinagtuon mo yan sa pag aaral mo edi sana may mas mataas ka pang grade ngayon!" Di ako makapagsalita. Grabe naman ang mga babae ngayon. Sinaktan lang, kailangan pang sabihin sa parents. Diba pwedeng para sa sarili nalang nila? Saka kasalanan ko pa ba kung sila ang lumalapit sa akin?

"Sorry Maam di na po mauulit" nakayukong sabi ko sa kanya

"Talagang di na mauulit! Cause You'll be banned in this school" nanlaki ang mata ko. Hindi sa Gulat, kundi sa saya!

"Kung ganun ba maam? Pwede na akong mag transfer sa ibang school? Yes!" Gustong gusto ko na kasing mag transfer sa school. Well di naman talaga ako ganito. Good boy kaya ako. Kaso lang kasi si Daddy! Ayaw na ayaw ko sa school na to pero dito paren niya ako pinag aral. Kaya gumawa ako ng paraan para mapatalsik sa school na to. But malupet! 5 Years pa ang inantay ko para maka alis sa school na to. Nandun din kasi yung bespar ko na si Angelo!

Halos sumayaw sayaw na ako nang bigla akong binato ni maam ng pentle pen

"Now Get out of my Office!" hinalikan ko pa sa cheeks si maam lachica saka ako umalis

Goodbye Hell school! Yeah! Galing ko talaga!

•••

Nakausap ko na si Daddy. Pumayag na siya na dito sa Heylum Academy na ako papasok! Yez! But in exchange, kailangan ko daw pagbutihan ang pag aaral ko. Of course!

Hawak ko ang schedule ko. Actually Familliar na ako sa school na to noon pero madami ang nagbago kaya nakakalito na. Matagal na akong nakapunta dito noon at iyo ang dream school ko
Pero nakaka asar talaga si daddy! Sa ibang school ako inenroll. Mabilis kong tinawagan si Angelo

So ang 1st Subject ay Chemistry

Nagpunta ako sa Room 24 sa 3rd floor para sa subject namin. Pero bakit ganun? Walang Tao?

"Par!" napalingon naman ako at nakita ko si Angelo nag apir kami

"Bat wala nga palang tao dito?" tanong ko sa kanya

"Wala Vacant ang 1st subject ngayon. Meetings" Siya. Di nga pala kami magkaklase ni Angelo. Iba kasi ang section niya. Pero ok lang yun

"Gala tayo? Nasa Ground lahat ng studyante ngayon" Sabi niya kaya napangisi ako saka tumango.

"Sureness!" Aalis na sana kami nang biglang siyang huminto kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit?"

"Teka. Hintayin mo muna ako dito. May nakalimutan ako e" saka mabilis siyang tumakbo. Nagkibit balikat nalang ako

One Shot & Short Story CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon