(nakangiti ako at mangiyak iyak habang naglalakad sa altar di ko madescribe kung ano nararamdaman ko ngayon halo halo. mabagal lang ang ginagawa ko paglakad di rin mawawala sa paningin ko yung mga tingin nila pero nakafocus lang ako sa paglalakad. nang makapunta na kami sa harap nang altar. pumwesto na ko sa gilid at inantay kung kailan na ko dapat umalalay sa pinakamaganda bride ngayon di dahil best friend ko siya kundi dahil kung sino makakita sa kanya sasabihin pang beauty queen yung ganda. kaya ang dami nanligaw kay zean halos karamihan katrabaho niya sa pagmomodelo kaya masasabe ko gwapo mayaman pero di parin pumasa kay zean. kasi yung unang lalake minahal niya ang gusto niya makasama habang buhay nangako kasi sila pagnatupad na yung pangarap nila at nagkita sila ulit ibig sabihin nun sila na yung para sa isat isa. natupad kaya eto kinasal sila. Napakaswerte nga neto ni paul dahil never nagmahal nang iba si zean samantala may mga minahal na si paul bago pa sila magkita ulit ni zean.ako kaya kailan kaya?. lagpas na sa kamay ko yung kasal na puntahan ko na ako yung brides maid. tuwing nangyayare yun iisa lang ang nararamdaman ko lungkot at inggit. ako nga pala si kleanne ruiz short for klea 27 years old nbsb at wala rin nagtatangkang manligaw o kahit sabihin man lang na gusto nila ako. matangkad, medyo chubby, kulot,maputi,makapal yung mga labi ko in short di ako kagandahan yun na nga ang dahilan kung bakit walang nagkakagusto saken. pero sana ugali tignan nila kasi mabait naman ako, mapagmahal sa pamilya, masipag saka matiyaga never parin kasi ako nagkakagusto sa isang lalake. crush siguro marami naniniwala ako dadating yung tamang tao saken sa tamang panahon.)
Sana klea paghinagis ko yung bulaklak mamaya ikaw na makasalo nagsasawa na ko makita lage sa mga kasal para magkaboyfriend ka narin (nabuga ko yung tubig na ininom ko sa sinabe ni zean pasmado talaga bibig neto ni zean. kaibigan ko nga pala simula bata palang si zean. totoo yung sinabe niya never kasi ako nakakasalo nang bulaklak sa kasal sinamaan ko lang siya nang tingin kaya natawa siya.)
Oo nga anak para naman magkapo na ko bago mamatay (sa sinabe ni mama ay naubo ako kaya hinagod nang kapatid kung bunso yung likod ko. si leny pala ang pangalan nang mama ko at si chloe naman yung bunso kung kapatid dalawa lang kami magkapatid nagaaral pa si chloe sa kursong medicine ako nagpapaaral sa kanya dahil namatay si papa sa aksidente nang 3 years old palang si chloe dahil di kakayanin ni mama pagaralin kami sabay nagtrabaho ako habang nagaaral)
Tita napressure po ata si klea sa sinabe niyo pano po kasi siya magbubuntis eh boyfriend nga po Wala (nangaasar na sabe ni zean saken)
Ewan ko sa bata to ang dami kung kakilala anak nang mga kaibigan kung irereto sa kanya lage naman niya tinatakasan (tama si mama lage ko di sinisipot yung nirereto niya saken. ayoko ko lang magmukhang desperada magkaroon nang boyfriend kung ibigay eh di tanggapin kung wala okay lang din. naiisip ko rin malandi tignan. may plano rin naman ako kung sakali wala)
Mama baka naman babae talaga type ni ate halos lahat kasi nang sa cp niya puro magagandang babae (puro babae yung nasa picture ko dahil crush ko sila nagagandahan ako pero di ko gusto makarelasyon sila. )
Subukan mo lang klea susunugin Kita (galit na galit na sabe ni mama.)
YOU ARE READING
Dream Love
RandomKilalanin natin si klea ang babaeng di alam ang salitang love dahil naniniwala siya dadating yung sa tamang panahon Salamat at may pakilamera siyang kaibigan na gusto gusto siya magkalovelife. at ginawan siya nang isang dating app Mahahanap na kay...