(01) HIGHSCHOOL LIFE

22 1 0
                                    

MARCH,2015

"Trixie ano ba matulog kana gabing gabi ka nalang puyat dyan kakacellphone hindi kana nagtigil dyan! Porket tanghali ang pasok mo galing muna mag puyat" malakas na sigaw sa akin ng Lola ko

Ang mga salitang yun sus! sanay na ako dyan pasok dito labas dun! Sa araw araw ba naman na bunganga nya sa akin sinong di masasanay.

Opo mommy, magalang ko namang sagot baka kasi makuha nanaman yung cellphone ko dahil kakapuyat sa pagababasa

Pero di naman nya alam na nagababasa ako kasi ang alam lang nya nag f'facebook lang ako yun lang naman ang alam nyang ginagawa ko sa cellphone Facebook o kaya Youtube.

Nagpatay na ako ng wifi sa Cellphone ko kasi ang ingay ng messenger ko mga nagchichikahan pa mga tropa ko sa GC! nag goodnight na ako sa kanila at sabi ko "Matutulog na ako pinapagalitan nanaman ang ni maderearth". Pagsinabi kong Maderearth alam na nila yun yung Lola kung masungit Mommy ang tawag namin sa kanya ayaw nya kasi yung lola kasi 58yrsold palang daw sya at nakakatanda daw pagtinawag na Lola. Yung totoo ko namang nanay nasa ibang bansa dun sya nag tatrabaho. Ang mommy ko lang ang nag tatrabaho sa amin kasi kaming tatlong magkakapatid ay nag-aaral palamang yung Ate ko Kolehiyo na yung Kuya ko naman ay SeniorHigh at syempre ako Bunso Highschool palang. Yung tatay ko sus! wala naman yung kwenta sumama sa ibang babae kaya ayun naghirap lalo sya.

Alas-otso ng Umaga ang gising ko . 1:10pm pa naman ang pasok kaya ok lang na medyo late ang gising. Yung Ate ko 3:30 or 4am gising na yun kasi malayo pa byahe non papuntang school tapos minsan trapik pa kasi madaming pumapasok ng umaga at yung Kuya ko 5:30am ang gising non tapos 7am ang start ng class nila pero umaalis yun ng 6:45am ang lupet diba late na ewan ko nga bat pinapapasok payun ng late. Galit na galit dun lola ko kasi laging late eh at sabi pa anong klaseng eskwelahan yan nagpapapasok kahit late.

Naghanda na ako ng breakfast ko egg and rice, Milo oo Milo kasi di ako nagkakape kasi ang sama ng amoy simula bata di ako nagkakape. Maayos naman ang gising ko pagkatapos ko kumain syempre naghugas na ako ng pinagkainan ko kasi baka masapok pa ako ng Lola ko ng wala sa oras haha alam mo naman mga Tanders . Pagtapos non kailangan ko magwalis at maglampaso ng sahig sanay na ako sa ganong gawain parang Morning routine nadin.

Pagtapos ng lahat ng trabaho ko pahinga ako saglit o kaya aayusin kuna mga gamit ko sa school magplantsa ng uniform at kung ano pang need ko sa school. "Trixie! Trixie! bumaba ka nga dyan palagi ka nalang nasa taas ano bang pinaggagawa mo dyan , oh ito balatan mo itong bawang" masungit na sigaw ng Lola ko. "malamang nagaayos ng gamit ko sa school kala mo naman nag nagtatago ako para mag cp o di kaya ay makatakas sa mga trabahong bahay mahina kung sabi sa sarili ko. Hindi ko kayang sagutin ang magulang ko o Lola ko ng ganon kasi mahina ako haha hindi ayaw ko lang talaga ng gulo kaya lahat ng hinanakit ko pinopost ko sa RP acc. ko sa FB o di kaya sa isip ko nalang.

11:15am na oras na ng pagsasaing, mga ganitong oras ang saya ko kasi parang feeling ko malapit na ako makatakas sa bilangguan at makipagharutan, makipagdaldalan sa mga kaibigan ko sa school.

12:00 oras ng kain ko ulam namin ngayon ay Monggo. Pagtapos kumain syempre ako lagi taya sa paghuhugas sino paba aasahan mga nasa school pa mga kapatid ko. Mga 12:15pm nag aayos na ako nakaligo na ako kaninang 11:15pagtapos ko magsaing.

Andrea! Andrea! Tita si Andrea po? "Andrea bilisan muna kanina kapa tinatawag ng kaklase mo" sigaw ng Mama ni Andrea. Mabait naman Mama ni andrea talagang ganon lang manalita yun.

'Ano na sis? Kamusta? oh anong chapter muna sa binabsa mo? Tanong nya sa akin. Chapter 26 sis ano bayan nakakainis naman si Roberto naakahagas bat di pa sya mamamatay nakakainis kasi yung ugali nya' galiit kong sabi.

The Secret life of BlytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon