Break na tayo

10 3 0
                                    

Nag text ako kay Mixie na tambay kami ng 5pm sa Quezon Circle, Her favorite place kaya lagi naming tinatambayan kaya yun ang lugar na pinili ko.

4 pm palang  ay umalis nako sa bahay, naggtaka si mama kung bakit sobrang dami kong dala maglalayas na daw ba ako o magtatanan na daw ba kami ni mixie. Tapusin muna daw namin amg pag-aaral namin bago namin siya bigyan ng apo.

Naka polo shirt ako na black at white short dahil yun ang paborito ninyang kulay na sinusuot ko, bagay na bagay daw sa akin ang kulay itim. saka ko ito binagayan ng rubber shoes na black din. Nagshave din ako, gaya ng lagi ninyang sinasabi. Mas lalo daw akong pumopogi kapag maaliwalas ang mukha ko. Nag ayos at naghanda ako gaya ng kung paano kami unang nagkita ni Mixie 5 years ago. Malapit narin kaming mag 6 years next-next month. Ilang months nalang ang pagitan.

4:30 pm nasa meeting place na ako, Sa play ground pero pumwesto ako sa may pinakadulo yung hindi masyadong matao at nakaupo ako ngayon sa hagdanan ng padulasan. Mahilig sa mga bata si Mixie kaya dito kami laging tumatambay para parunorin yung mga naglalaro dito, minsan nakikipaglaro din siya sa mga bata dito. Hindi naman siya yung klasw ng babae na maluho, sapat na sa kanya yung nakikita yung mga batang naglalaro at masaya lalo na kapag ako ang kasama ninya.

Bago mag 5 pm ay dumating na si Mixie.

"Hi Boo, nalate nanaman ba ako? Sorry ang traffic kasi talaga, rush hour."

Nakita ko sa mukha ninya yung pagalala na baka nainip ako pero ang totoo wala pa namang 5pm at sanay narin akong naghihintay sa kanya.

"No Boo, sakto lang."

Umupo na kami sa damuhan at dating gawi, nakikinig lang ulit ako ng mga kwento ninya about friends and family. Kahit magkausap na kami sa Phone araw-araw o magkachat hindi parin siya nauubusan ng kwento kapag nagkikita kami.

9 pm matapos naming kumain ay hinatid ko na siya pauwi at sumunod ang pangyayaring tatapos sa sa lahat.

"Boo mag iingat ka sa pagmamaneho ha at tawagan mo agad ako kapag nakauwi ka na."

"Uhm, Mixie wait lang may kukunin lang ako sa kotse."

Nagmadali akong kinuha lahat ng mga daladala kong gamit kanina. Nasa gate ngayon si Mixie habang hinihintay ako.

"Boo ano nanaman to, ilang buwan pa bago anniversary natin ha. Saka ang dami naman ata nito."

Reaksyon ni Mixie matapos kong iaabot sa sakanya yung mga naka paper bag at eco bag.

"Mixie buksan tignan mo muna yung mga laman."

"Mixie, ah nevermind"

nagulat siya nung tinawag ko siya sa Pangalan ninya, simula kasi nang maging kami at kahit may mga pagkakataon na nagtatalo kami I used to call her Boo. Our Eaderment.

"Mga binigay ko ito ha, itong shirt, yung sapatos, pati itong scrapt book bakit parang lahat ng ito ay yung mga binigay ko at regalo ko sayo nung mga nagdaang birthday mo, monthsarry natin at anniversary."

Takang-takang sinabi ninya sa akin habang nakakunot ang mukha ninya.

"Mixie binabalik ko na lahat ng yan dahil break na tayo."

"Ha!, since when?. Boo hindi mo naman sinabi sakin na blooger ka narin pala, kailan pa ha."

bigla siyang lumingon lingon sa paligid ninya na parang may hinahanap

"Is this a prank, May asan yung hidden cam?"

natatawang sambit ninya.

"No Mixie, hindi ito prank o kung ano. Break na tayo, wala ng tayo, tapos na tayo."

Break na tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon