Part II

7 1 4
                                    

Umiyak nalang ako ng umiyak at nakisabay sa pagbuhos at paglakas ng ulan. umiiyak ako ngayon na parang batang nawawala sa Playground hanggang sa biglang may isang babae na pinayungan ako at laking gulat ko nung nakita ko kung sino ito. My Boo, my one and only Boo.

Nandito kami ngayon sa bahagi ng Quezon Circle kung saan ay may masisilungan at hindi parin ako makapaniwala sa babaeng nasa tabi ko, ang babaeng minahal ko mula nuon at minamahal parin ngayon.

"Wala ka bang dalang Extra Shirt?"

Tanong ni Mixie, ngunit hindi ako nakasagot agad dahil nakatitig parin lang ako sa kanya. Ibang-iba na yung itsura ninya ngayon, mas lalo siyang gumanda. Nakapusod siya ng buhok, naka off shoulder na white at Squarepants saka naka heels. Hindi ako sigurado kung tama yung pagkakadescribe ko sa suot ninya pero alam kung yun ang mga tawag dun dahil pag namimili kami ni Bea sa mall ay binabanggit ninya sa akin yung mga gusto ninyang ipabili. Si Bea yung bunso kong kapatid.

"Raven ok ka lang?"

Bigla akong nagkaron ng wisyo nang binanggit na ni Mixie yung panagalan ko.

"A-ano nga pala ulit yun?"

Tanong ko sa kanya na medyo nauutal dahil narin sa ginaw at hindi parin makapaniwalang kausap ko siya

"May dala ka bang Extra shirt?"

"Ma-mayron sa kotse"

lagi akong nagdadala ng Extrang T-shirt dahil yun laging bilin sakin ni Mixie dati ang laging magbaon ng T-shirt para incase of emergency daw.

Naglakad na kami papunta sa kotse ko, medyo mahina naman na ang ulan kaya't hindi ko na kailangan pang makipayong sa kanya.

Pagdating namin sa kotse ko agad kong kinuha yung pamalit kong damit sa loob at pagkakuha ko ng paper bag ay naalala kong nagdala nga pala ako ng shorts dahil binalak ko ring mag jogging sana kanina. Bago ako magpalit ay napalingon ako kay Mixie, kaya't agad naman itong tumalikod. Wala namang ibang tao dito sa part na pinag paradahan ko ng sasakyan kaya't makakapagbihis ako dahil ako at sa Mixie lang naman ang tao dito.

Pagkatapos kong makapagbigis ay nagpaalam narin si Mixie dahil kailangan na daw ninyang umuwi kaya lang nakalimutan ninya sa loob ng kotse ninya yung susi ninya, kahit wallet ninya ay nasa loob din at tanging cellphone lang ang dala ninya. Inalok ko siya ng ride kaso tumanggi siya dahil magtataxi nalang daw siya pero nung sinabi kong same way lang kami ay napapayag ko rin siya kaya't nandito siya ngayon katabi ko sa front seat.

Wala samin dalawa ang balak bumasag ng katahimikan. Nakakapanibago lang dahil dati laging siya ang unang nagsasalita at kapag magkasama kami wala siyang ginawa kundi magkwento lang ng magkwento at sa pagkakataong ito ay ako na ang bumasag.

"Ka-kamusta ka naman?"

Pautal-utal parin ako kahit hindi na giniginaw. Ganito siguro pakiram kapag nakakausap mo ulit ang Ex mo.

"Ok lang naman, Ok na kumpara dati nung mga panahong hindi pa ako nakakamove on sa nangyari."

Bigla akong napalunok sa mga sinagot ninya.

"Ikaw, kamusta ka?"

Biglang tanong ninya.

"Ayos lang, ako na nagmamanage ng business ni Daddy simula nung nawala siya. Ako narin yung pumalit sa pwesto ni Daddy sa bahay."

"Condolence nga pala, Nasabi nga sa akin ni Trisha yung nangyari sa Daddy mo last year."

Bigla kong naalala si Daddy at bigla kong naalala yung mga panahong na kailangan na kailangan ko si Mixie, panahong kailangan ko ng mapanghuhugutan ng lakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Break na tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon